Ang compartment ng media ay may USB port na maaaring pagkonektahan ng telepono, media device o USB drive. Gumamit ng interface cable upang kumonekta sa mga device na ito. Nagkakakuryente at gumagana ang USB port kapag umaandar o nasa mode ng accessory ang motorsiklo.
Pwedeng magdagdag o mag-alis ng mga device habang nakabukas ang radyo. Gayunman, kapag nag-i-import/nag-e-export ng mga file o nag-i-install ng mga update sa radyo, huwag idiskonekta ang USB device hanggang sa matapos ito.
Panatilihing nakasara ang pinto ng compartment habang nakasakay upang maiwasan ang paglaglag ng mga bagay. Alisin ang mahahalagang bagay sa compartment ng media bago iwanang walang bantay ang sasakyan.
TALA
Huwag gumamit ng mga media player na may mga hard drive. Ang panginginig ay maaaring maging sanhi ng panloob na pinsala.
Mga Compartment ng Media/Storage: Fairing na nakalagay sa frame
Tingnan ang Figure 1 . Ang mga compartment ng storage ay nasa kanan at kaliwang bahagi ng fairing. Ang USB port para sa mga media device ay nasa kanang bahagi ng compartment.
Pagbubukas: Hilahin ang harap ng pinto ng compartment.
Paglilinis: Ang goma o fabric insert sa compartment ay nakakabit sa pamamagitan ng hook at loop fastening tape at pwedeng alisin para linisin.
Compartment ng Media: Fairing na nakalagay sa fork
TALA
Ang Electra Glide ® Standard (FLHT) media compartment ay walang USB cable o cradle.
Tingnan ang Figure 2 at Figure 3 . Ang ibang sasakyan ay may compartment ng media sa kanang bahagi ng radyo gaya ng ipinapakita. Ipasok ang telepono o media device sa lalagyang may foam upang maipuwesto nang maayos ang device at mailayo ito sa panginginig.
Pagbubukas: Diinan ang ibabang bahagi ng pinto at bitawan upang buksan.
Pagsasara: Itulak nang madiin ang pinto hanggang sa kumabit ang latch.
Pagre-reset ng latch/aldaba ng pinto: Kung ang pinto ng compartment ay pinuwersang buksan o hindi nagla-latch nang maayos, i-reset ang latch/aldaba ng pinto. Itulak upang maisara ang pinto. Buksan ang pinto. Isara ulit ang pinto upang kumabit ang mekanismo ng latch/aldaba.
Paglilinis: Pwedeng alisin ang lalagyan upang linisin o upang makatulong sa pagkakabit o pag-aalis ng device sa compartment.
Figure 1. Compartment ng Storage/Media: Fairing na Nakalagay sa Frame
Figure 2. Compartment ng Media: Fairing na Nakalagay sa Fork
1USB port
2Cradle
Figure 3. USB Port: Fairing na Nakalagay sa Fork