Ang mga modelong walang fairing ay maaaring may kasamang naaalis na windshield. Pwedeng alisin o ikabit ang windshield bago sumakay.
TALA
Nangangailangan ng espesyal na pangangalaga ang mga windshield. Huwag gumamit ng mga panlinis ng bintana sa gasolinahan o mga may ammonia. Maaaring mapinsala ng mga ito ang windshield. Para sa tamang pagmementina ng windshield, tingnan ang Pagkaraang Sumakay → Pangangalaga ng Windshield .
Pag-aalis
  1. Tingnan ang Figure 1 . I-angat ang mga wire form latch spring sa parehong gilid ng bracket ng windshield.
  2. Itulak paharap ang ibabaw ng windshield upang alisin ito sa mga pang-itaas na grommet.
  3. I-angat ang windshield upang alisin sa mga pang-ibabang grommet.
Pagkakabit
  1. Tingnan ang Figure 1 . Ipuwesto nang maayos ang ibabang bahagi ng bracket ng windshield upang ikabit ang mga pang-ibabang grommet.
  2. I-angat ang mga wire form latch spring sa parehong gilid ng bracket ng windshield.
  3. Itulak ang ibabaw ng windshield papunta sa likuran upang ikabit ang mga pang-itaas na grommet.
  4. Bitawan ang mga wire form latch spring. Tiyaking nakapuwesto ang apat na bracket sa mga grommet at mahigpit na nakakabit ang windshield sa motorsiklo.
1Wire form latch
2Itaas na bracket notch
3Ibabang bracket notch
Figure 1. Natatanggal na Windshield