Tingnan ang Figure 1 para sa mga label sa kaligtasan at pagmementina na nasa sasakyan noong bago pa ito. Sumangguni sa Talahanayan 1.
TALA
Maaaring makabili ng mga pamalit na label para sa iyong motorsiklo. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson. Ang ilang label ay available sa iba’t ibang wika para sa mga destinasyon sa labas ng Estados Unidos.
Figure 1. Mga Label
Talahanayan 1. Mga Label
ITEM
PIYESA BLG.
PAGLALARAWAN
LOKASYON
TEXT
1
29108-08
Mga pangkalahatang babala
Itaas ng takip ng air cleaner
BABALA: Naiiba ang mga motorsiklo sa iba pang mga sasakyan. Naiiba ang pagpapaandar, pagpapaliko, pagmamaneho at pagpepreno sa mga ito. Ang walang kasanayan at maling paggamit ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol, kamatayan o malubhang pinsala.
  • Kumuha ng kursong pagsasanay sa pagpapatakbo ng motorsiklo.
  • Basahin ang Manwal ng May-ari bago sumakay, magdagdag ng mga accessory o magpaserbisyo.
  • Magsuot ng helmet, proteksyon sa mata at pamproteksyon na kasuotan.
  • Huwag kailanman maghatak ng trailer.
Para makakuha ng manwal, hanapin ang pinakamalapit na dealer sa 1-414-343-4056 o sa www.harley-davidson.com
2
15368-01A
Babala sa baterya
Sa ilalim ng upuan, sa likod ng tangke ng gasolina sa pangunahing harness trough
BABALA: Ang nakakonektang baterya ay maaaring magdulot ng pagsiklab o pag-andar ng motorsiklo habang inaayos ito. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala.
  • Alisin ang negatibong kable bago ipaserbisyo.
  • Panatilihing malayo ang kable sa terminal habang inaayos.
3
14148-86
Label ng proteksyon ng makina
Sa harap ng proteksyon ng makina sa ilalim ng mount sa gitna
Maaaring limitado ang proteksyong maibigay ng proteksyong ito sa binti at sa anyo ng sasakyan sa mga natatanging sitwasyon (natumba habang nakahinto, pagdulas sa napakabagal na takbo). Hindi ito ginawa o sinadya upang magbigay ng proteksyon laban sa pinsala sa katawan mula sa pagkakabangga sa isa pang sasakyan o ibang bagay.
4
90820-93D
Mga limitasyon ng pwedeng ikarga sa saddlebag
Sa loob ng saddlebag
BABALA: Maaaring magdulot ng kawalan ng kontrol ang labis na bigat sa mga saddlebag. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala.
  • Huwag maglagay ng higit sa 15 libra (6.8 kg) sa bawat saddlebag sa mga sasakyang 2008 at mas bago.
  • Huwag maglagay ng higit sa 20 libra (9.1 kg) sa bawat saddlebag sa mga sasakyang 2009 at mas luma.
  • Maglagay ng patas na timbang sa bawat saddlebag.
  • Tingnan ang seksyon ng Mga Accessory at Kargada ng Manwal ng May-ari.
5
90821-74C
Mga limitasyon ng bigat sa Tour-Pak
Sa ilalim ng takip ng Tour-Pak
BABALA: Maaaring magdulot ng pagkawala ng kontrol ang labis na bigat sa Tour-Pak®. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala.
  • Huwag maglagay nang mahigit sa 25 ibra (11.3 kg) sa Tour-Pak® sa mga motorsiklo noong 2008 at mas luma.
  • Huwag maglagay nang mahigit sa 30 libra (13.6 kg) sa Tour-Pak® sa mga motorsiklo noong 2009 at mas bago.
  • Tingnan ang seksyon na Mga Accessory at Kargada ng Manwal ng May-ari para sa karagdagang impormasyon.