California Limited Emissions Warranty Para sa mga May-ari sa USA
Ang Iyong mga Karapatan at Obligasyon sa Ilalim ng Garantiya
Ang California Air Resources Board at Harley-Davidson Motor Company ay nalulugod na ipaliwanag ang garantiya sa sistema ng pagkontrol ng emisyon ng iyong bagong motorsiklo. Sa California, ang mga bagong sasakyang de-motor ay dapat na idinisenyo, binuo at equipped upang matugunan ang mga mahihigpit na pamantayan ng Estado laban sa smog. Dapat garantiyahan ng Harley-Davidson Motor Company ang sistema ng pagkontrol ng emisyon ng iyong motorsiklo para sa mga tagal ng panahon na nakalista sa ibaba basta’t walang nangyaring pag-abuso, hindi aprubadong pagbabago, kapabayaan o hindi tamang pagmementina ng iyong motorsiklo.
Maaaring kabilang sa iyong sistema ng pagkontrol ng emisyon ang mga piyesa tulad ng karburador o fuel-injection system, sistema ng ignisyon, catalytic converter, at computer ng makina. Maaring kasama din ang mga hose, konektor at iba pang mga assembly na may kinalaman sa emisyon.
Kung saan umiiral ang isang kondisyon na nagagarantiyahan, sa loob ng panahon ng garantiya na nabanggit sa ibaba, aayusin ng iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ang iyong motorsiklo nang walang gastos sa iyo kabilang ang diagnosis, mga piyesa at paggawa.
Sakop ng Garantiya ng Manufacturer
Sa panahon ng limang taong paggamit o 30.000 km (18641 mi), alinman ang mauna, simula sa petsa ng paghahatid ng motorsiklo sa pangunahing mamimili o, kung ang motorsiklo ay inilagay sa serbisyo bilang pang-demonstrate o motorsiklo ng kompanya bago ang pagbebenta ng tingian, sa petsa kung kailan una itong inilagay sa serbisyo.
Kung depektibo ang anumang piyesa na may kaugnayan sa emisyon ng iyong motorsiklo, aayusin o papalitan ng Harley-Davidson Motor Company ang piyesa. Ito ang DEFECTS WARRANTY (GARANTIYA SA MGA DEPEKTO) ng iyong sistema ng pagkontrol ng emisyon.
Mga Responsibilidad ng May-ari sa Ilalim ng Garantiya
Bilang may-ari ng motorsiklo, ikaw ay may pananagutan sa pagsasagawa ng kinakailangang pagmementinang nakalista sa iyong Manwal ng May-ari. Inirerekomenda ng Harley-Davidson na itabi mo ang lahat ng resibong sumasaklaw sa pagmementina ng iyong motorsiklo, ngunit hindi maaaring tanggihan ng Harley-Davidson ang mga saklaw ng garantiya sa emisyon dahil lamang sa kakulangan ng mga resibo o dahil sa iyong kabiguang tiyakin ang pagsasagawa sa lahat ng naka-iskedyul na pagmementina.
Ikaw ay responsableng dalhin ang iyong motorsiklo sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon ng problema. Ang pag-aayos sa ilalim ng garantiya ay dapat makumpleto sa loob ng makatuwirang tagal ng panahon, na hindi lalampas sa 30 araw.
Bilang may-ari ng motorsiklo, dapat alam mo na maaaring tanggihan ng Harley-Davidson ang pagbibigay sa iyo ng saklaw ng garantiya kapag ang iyong motorsiklo o ang isang piyesa ay pumalya dahil sa pag-abuso, kapabayaan, hindi tamang pagmementina o hindi naaprubahan na mga pagbabago.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa iyong mga karapatan at responsibilidad sa ilalim ng garantiya, dapat kang makipag-ugnayan sa Harley-Davidson Customer Service Department sa 1-800-258-2464 (U.S. lamang) o 1-414-343-4056, o sa California Air Resources Board sa 9528 Telstar Ave., El Monte, California 91731.
Mga Karagdagang Tuntunin ng Garantiya
Ang panahon ng garantiya ay nag-uumpisa sa petsa ng paghahatid ng motorsiklo sa pangunahing mamimili o, kung ang motorsiklo ay inilagay sa serbisyo bilang pang-demonstrate o motorsiklo ng kompanya bago ibenta ng tingian, sa petsa kung kailan ito unang inilagay sa serbisyo.
Ang sistema ng pagkontrol ng emisyon ng bawat bagong motorsiklo ng Harley-Davidson ay dinisenyo, binuo at sinubok gamit lamang ang mga tunay na piyesa ng Harley-Davidson, at sa mga piyesang ito, ang motorsiklo ay sertipikado bilang naaayon sa mga regulasyon sa pagkontrol ng emisyon ng California.
Inirerekomenda naming dalhin mo ang iyong motorsiklo sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para sa pag-aayos sa ilalim ng garantiyang ito. Ang dealer ay may mga mekaniko na sinanay sa pabrika at mga tunay na piyesa ng Harley-Davidson. Gayunpaman, sa kaso ng isang "emergency" (gaya ng nilinaw sa ibaba), maaari kang magpaayos sa anumang maaaring service establishment o maaaring ayusin ng may-ari, gamit ang anumang pamalit na piyesa. Kapag walang makatuwirang mapupuntahang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson, o walang available na piyesa sa loob ng makatuwirang haba ng panahon (hindi dapat lumampas ng 30 araw mula sa oras na unang ipinakita ang motorsiklo sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa pagpapaayos), ito ay matuturing na isang emergency. Isasauli ng Harley-Davidson ang nagastos ng may-ari sa pagpapagawa, kabilang ang diagnosis, kung mapapatunayan lang na ang pag-aayos ay nasasaklaw ng garantiya sa emisyon. Ang pag-reimburse ng Harley-Davidson para sa mga piyesa, gayunpaman, ay hindi lalampas sa aming suggested retail price para sa lahat ng ginagarantiyahang piyesa na pinalitan at ang pag-reimburse sa labor ay limitado sa aming inirerekomendang allowance sa oras para sa pag-aayos ng sistema ng emisyon na naaayon sa presyo ng labor kada oras sa lugar.
Upang makamit ang pagsasauli ng mga ibinayad sa mga emerhensiyang pag-aayos mula sa Harley-Davidson, dapat mong itago ang lahat ng pumalyang piyesa at orihinal na resibo, upang maipakita mo ang mga ito sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para masiyasat. Inirerekomenda ng Harley-Davidson na dalhin mo ang iyong motorsiklo sa isang awtorisadong dealer para sa inspeksyon upang matiyak na ang mga emerhensiyang pag-aayos ay naisagawa nang maayos.
Tandaan: Ang paggamit ng mga piyesang pamalit na hindi Harley-Davidson ay maaaring makaapekto sa pagiging epektibo ng sistema ng pagkontrol ng emisyon o kung hindi man ay makapinsala sa iyong motorsiklo. Kung iba, bukod sa tunay na mga piyesa ng Harley-Davidson, ang ginamit para sa pagmementina, pagpapalit o pag-aayos ng mga bahaging nakakaapekto sa pagkontrol ng emisyon, dapat kang humingi ng mga nakasulat na katiyakan na ang mga naturang piyesang hindi Harley-Davidson ay ginagarantiyahan ng manufacturer nito bilang mga katumbas ng kalidad ng tunay na mga piyesa ng Harley-Davidson, parehong sa pagganap at tibay. Ang paggamit ng mga piyesang pamalit na hindi Harley-Davidson ay hindi nagpapawalang-bisa sa umiiral na garantiya, kung mayroon man, sa iba pang mga bahagi ng Harley-Davidson maliban kung ang mga piyesang hindi Harley-Davidson ay nagdudulot ng pinsala sa mga ginarantiyahang piyesa o nagreresulta sa paglikha ng motorsiklong hindi tumatalima sa mga kinakailangan sa emisyon. Gayunpaman, WALANG PANANAGUTAN ANG HARLEY-DAVIDSON SA ILALIM NG GARANTIYANG ITO KAUGNAY NG ANUMANG MGA PIYESA NA HINDI TUNAY NA PIYESA NG HARLEY-DAVIDSON, maliban kung ang mga piyesa ng Harley-Davidson ay nagdudulot ng pinsala sa mga hindi tunay na piyesa ng Harley-Davidson.
Ano ang Sakop ng Garantiya sa Emisyon na ito
Ang garantiya sa sistema ng pagkontrol sa emisyon ay sumasaklaw sa mga sumusunod na "warranted parts (ginagarantiyahang piyesa)" lamang:
Tangke ng Gasolina (mga pagpalyang hindi nauugnay sa hitsura lamang)
Kung ginamit sa itaas: mga hose, clamp, fitting, tubing, sealing gasket at hardware na pang-mount.
Ano ang Mga Hindi Sakop ng Garantiya sa Emisyon na Ito
Hindi sakop ng garantiya sa sistema ng pagkontrol ng emisyon ang:
Mga pagpalya sa anumang "warranted parts (ginarantiyahang mga piyesa)” na dulot ng alinman sa mga sumusunod: pag-abuso, maling paggamit, hindi naaprubahang pagbabago o pag-alter, pag-tamper, pagdiskonekta, o di-angkop o hindi sapat na pagmementina. Hindi rin sakop ng garantiya ang pagpapalit ng mga nakalistang piyesa sa kaganapan na ang sasakyan ay hindi na tumatalima sa mga batas sa emisyon ng estado ng California dahil sa mga aksyong nabanggit sa itaas.
Pinsala na nagreresulta mula sa aksidente, gawa ng kalikasan o ibang mga pangyayari na labas sa kontrol ng Harley-Davidson.
Ang pag-aayos o pagpapalit ng mga "warranted parts (ginarantiyahang piyesa)" na naka-iskedyul para sa pagpapalit bago ang 30.000 km (18641 mi), sa sandaling mapalitan ang mga piyesang ito sa unang agwat ng pagpapalit bilang bahagi ng mga kinakailangang serbisyo sa pagmementina.
Mga pag-aayos at serbisyong ginawa ng sinuman maliban sa isang awtorisadong Dealer ng Harley-Davidson (maliban sa kaso ng emerhensiya tulad ng tinukoy sa itaas).
Pagkawala ng oras, abala, pagkawala ng paggamit ng motorsiklo, paghila ng sasakyan, o komersyal na kawalan at/o mga kinahinatnang pinsala.
Mga pag-aayos sa anumang motorsiklo kung saan ang milyahe ng odometer ay binago nang sa gayon ay hindi madaling malaman ang milyahe.