Gumamit lamang ng mga inirerekomendang produkto at pamamaraan ng Harley-Davidson upang panatiliing malinis at nasa mahusay na kalagayan ang radyo, mga speaker at iba pang mga bahagi ng audio system. Huwag gumamit ng anumang mga abrasive, pampakintab o rubbing compound upang linisin ang screen o iba pang mga bahagi. Huwag gumamit ng anumang mga panlinis na ammonia-based para sa screen. Ang paggamit ng iba pang mga produkto o pamamaraan ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga bahagi.
Screen
TALA
Huwag gumamit ng anumang kemikal na panlinis o mga pamunas o telang may halong kemikal. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa ibabaw ng screen.
Maingat na linisin ang ibabaw ng salamin sa display gamit ang malinis at tuyong microfiber na tela. Bago ito linisin, iminumungkahing alisin ang anumang mga deposito ng nakikitang alikabok, dumi, butil ng buhangin gamit ang banayad na ihip ng naka-compress na hangin. Ang paglilinis ng salamin ng display sa presensya ng mga nasa itaas ay maaaring lumikha ng mga gasgas.
Paglilinis ng Radyo
Mag-spray ng kaunting HARLEY GLOSS sa isang MICROFIBER DETAILING CLOTH. Ingatan ang pag-alis ng anumang mga deposito nang hindi kinikiskis ang mga ito sa screen. Maglapat ng pabilog na mosyon mula sa sentro at palabas. Gumamit ng tuyong MICROFIBER DETAILING CLOTH upang tuyuin ang screen. Ulitin ang proseso kung kinakailangan.
TALA
Huwag gumamit ng anumang mga kemikal o produkto na pampaganda ng screen. Maaari itong makapinsala sa ibabaw ng screen.
Pangangalaga sa Speaker
Kapag may namuong singaw sa mga speaker na may protective grille, gumamit ng HARLEY SEAT, SADDLEBAG, AT TRIM CLEANER at SOFTCLOTH o SOFT DETAILING PAD upang linisin. Huwag maglagay ng wax o anumang iba pang katulad na mga produkto sa mga grille ng speaker.
Huwag gumamit ng compressed o ipinuwersang hangin sa mga speaker.
Idinisenyo ang mga sasakyang may saddlebag speakers upang pigilan ang pagpasok ng tubig at hayaang umagos ang tubig habang nililinis o habang sinasakyan sa lahat ng uri ng panahon. Upang alisin ang anumang nakapirming tubig sa mga saddlebag speaker, buksan ang mga saddlebag at yugyugin nang kaunti upang maalis ang natitirang tubig.