1. Suriin ang dami ng gasolina sa tangke. Magdagdag ng gasolina kung kinakailangan. Tingnan ang Bago Sumakay → Pag-puno sa Tangke ng Gasolina.
2. I-adjust ang mga salamin sa mga tamang posisyon ng pagsakay. Tingnan ang Bago Sumakay → Pag-aadjust ng Mga Salamin.
3. Suriin ang antas ng langis ng makina. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Suriin ang Langis ng Makina.
4. Suriin ang antas ng coolant (kung mayroon). Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Cooling System.
5. Suriin ang antas ng brake fluid. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → PRENO.
6. Tingnan kung pudpod na ang mga brake pad at disc. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → PRENO.
7. Suriin ang mga kontrol sa kamay at paa para matiyak na lahat ay gumagana nang maayos. Paganahin ang harap at likurang preno, throttle, clutch at kambiyo. Tingnan ang Pagpapatakbo.
8. Siyasatin ang mga linya ng preno kung luma o sira na ang mga ito.
9. Suriin kung maayos ang pagliko sa pamamagitan ng pagpihit ng handle bar sa buong ikot na kaya nito.
BABALA
Siguraduhing ang mga gulong ay wastong napahanginan, balansyado, walang sira, at hindi pa pudpod ang tread. Regular na suriin ang iyong mga gulong at magtungo sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa mga kapalit. Ang pagsakay sa masyadong pudpod, hindi balansyado, hindi wastong napahanginan, labis ang karga o sirang mga gulong ay maaaring humantong sa pagkasira ng gulong at nakakaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00014b)
10. Suriin ang kondisyon ng gulong, presyon at bigat ng karga ng motorsiklo. Sumangguni sa Bago Sumakay → Pagtsetsek ng Presyon ng Gulong at Pagsisiyasat ng Mga Gulong para sa tamang presyon ng hangin ng gulong at mga pinahihintulutang timbang ng motorsiklo.
11. Suriin ang mga setting ng shocks sa likod. I-adust kung kinakailangan. Tingnan ang Bago Sumakay → Pag-aadjust ng Mga Shock Absorber.
12. Suriin kung may anumang tagas sa gasolina, langis o hydraulic fluid.
13. Suriin ang drive belt para sa pagkaluma o pagkasira.
BABALA
Siguraduhing maayos na gumagana ang headlamp, tail at stop lamp at signal sa pagliko bago sumakay. Kapag hindi gaanong makita ng ibang motorista ang nagmamaneho, maaari itong magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00478b)
14. Suriin ang lahat ng de-kuryenteng kagamitan at switch kabilang ang stop lamp, mga senyas ng pagliko at busina kung gumagana nang maayos.
15. Ipaserbisyo ang motorsiklo kung kinakailangan.