MAG-INGAT
HUWAG hatakin ang anumang electrical wire. Ang paghatak sa mga kable ng kuryente ay maaaring makapinsala sa panloob na konduktor na nagiging sanhi ng mataas na resistance, na maaaring magresulta sa mababa o katamtamang pinsala. (00168a)
BABALA
Huwag lumampas sa kapasidad ng bigat ng Tour-Pak. Ang labis na bigat ay pwedeng maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00401c)
TALA
Ang maximum na kapasidad ng bigat ng luggage rack ay4,5 kg (10 lb). Ang pinagsamang bigat ng luggage rack at Tour-Pak ay hindi dapat lumampas sa 13,6 kg (30 lb).
I-lock/I-unlock gamit ang key fob: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Power Lock → Fob ng Susi. Pindutin ang button ng LOCK o UNLOCK sa fob ng susi.
I-lock/I-unlock gamit ang mga switch ng power lock: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Power Lock → Mga Switch ng Power Lock. Habang umaandar ang motorsiklo, pindutin ang switch ng lock o unlock sa panel ng fairing cap.
I-lock/I-unlock gamit ang susi: Tingnan ang Figure 1. Upang i-lock, ipasok ang susi at ikutin nang isang quarter pa-clockwise. Upang i-unlock, ikutin ng isang quarter pa-counterclockwise.
Buksan: Hilahin ang latch handle. I-angat ang takip.
Isara: Isara ang takip. Idiin ang hawakan ng aldaba (latch handle) upang isara ang takip. I-angat ang takip upang matiyak na nakasara ito.
Itali at siguraduhing maayos ang anumang kargadang nakakabit sa luggage rack bago sumakay.
1Hawakan ng aldaba (Latch handle)
2Pag-unlock (papunta sa likod ng sasakyan)
3Pag-lock (papunta sa harap ng sasakyan)
Figure 1. Tour-Pak
Pag-a-adjust
Pwedeng i-adjust ang posisyon ng Tour-Pak nang paabante o paatras para sa ginahwa ng pasahero.
TALA
Hindi naa-adjust ang posisyon ng Tour-Pak sa kompigurasyon ng mga motorsiklo sa Asia Pacific (APC), maliban upang ma-access ang turnilyo ng upuan. Upang malaman ang kompigurasyon ng sasakyan, tingnan ang VIN identifier sa Ang Iyong Motorsiklo → Vehicle Identification Number (VIN). Tingnan ang SEAT ACCESS (MGA MODELONG APC) upang i-usog ang Tour-Pak sa kompigurasyon ng mga sasakyan sa APC.
1. Tingnan ang Figure 2. Luwagan ang apat na nut na nagkakabit sa Tour-Pak sa support.
2. I-usog ang Tour-Pak sa gustong posisyon.
3. Higpitan ang apat na nut.
Torque: 6,8–8,1 N·m (60–72 in-lbs) Mga pang-mount na nut ng Tour-Pak
Figure 2. Pag-a-adjust ng Tour-Pak
Seat Access: Mga Modelong Asia Pacific (APC)
Sa mga sasakyang APC, pwedeng i-usog ang Tour-Pak nang paatras upang ma-access ang turnilyo ng upuan. Upang malaman ang kompigurasyon ng sasakyan, tingnan ang VIN identifier sa Ang Iyong Motorsiklo → Vehicle Identification Number (VIN). Dapat ikabit ang Tour-Pak sa orihinal nitong posisyon bago sakyan.
1. Tingnan ang Figure 3. Alisin ang apat na turnilyong nagkakabit sa bracket ng Tour-Pak sa support.
2. Hilahin paatras ang Tour-Pak upang ma-access ang turnilyo ng upuan.
3. Kapag tapos na, i-usog ang Tour-Pak sa orihinal na posisyon nito. Ihanay ang apat na butas sa bracket sa mga butas sa support.
4. Ikabit ang apat na turnilyo. Higpitan.
Torque: 6,8–8,1 N·m (60–72 in-lbs) Mga turnilyo ng bracket ng Tour-Pak (mga modelong APC)
Figure 3. Mga Turnilyo ng Bracket ng Tour-Pak (Mga Modelong APC)