24 na Buwan/Walang Limitasyon sa Milya
Ang limitadong garantiya ng motorsiklong ito, na tinutukoy sa ibaba bilang “H-D Motorcycle Warranty”, ay naaangkop sa lahat ng taong bibili ng bagong 2020 o naunang modelo ng motorsiklo ng Harley-Davidson sa Australia at New Zealand pagkatapos lamang ng Enero 1, 2019.
Ang Iyong mga Karapatan Bilang Mamimili
Ang mga benepisyong ibinigay sa iyo sa ilalim ng H-D Motorcycle Warranty na ito ay dagdag sa, at hindi nakakabawas sa, iba pang mga karapatan at remedyo na maaaring mayroon ka kaugnay ng motorsiklo sa ilalim ng mga batas sa Australia at New Zealand, kabilang ang mga batas para sa proteksyon ng mamimili.
Sa Australia, ang aming mga produkto ay may kasamang mga garantiya na hindi maaaring hindi isama sa ilalim ng Australian Consumer Law. Ikaw ay may karapatan sa kapalit o pagsasauli ng bayad para sa mayor na pagpalya at kabayaran para sa anumang iba pang makatuwirang nakikinitang kawalan o pinsala. Ikaw din ay may karapatang ipaayos o papalitan ang mga produkto kung ang mga produkto ay nabigong maging katanggap-tanggap ang kalidad at ang kabiguan ay hindi katumbas ng isang mayor na kabiguan.
Sa New Zealand, ang aming mga produkto ay may kasama ring mga garantiya na hindi maaaring hindi isama sa ilalim ng New Zealand Consumer Guarantees Act.
Garantiya
Ang H-D Motorcycle Warranty na ito, ay ipinagkakaloob ng Harley-Davidson, Motor Company, P.O. Box 653, Milwaukee, Wisconsin 53201, U.S.A, telepono: +1 (414) 343-4056, ("Harley-Davidson").
Ginagarantiya ng Harley-Davidson ang anumang bagong 2020 na motorsiklong Harley-Davidson, aayusin o papalitan ng isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson nang walang bayad ang anumang mga piyesang matutuklasang depektibo sa mga materyales sa pabrika o sa pagkakagawa sa ilalim ng normal na paggamit sa panahon ng garantiya na itinatakda sa ibaba.
Ang naturang pagsasaayos o pagpapalit ng mga piyesa ay natatanging obligasyon ng Harley-Davidson at ang iyong natatanging remedyo sa ilalim ng H-D Motorcycle Warranty na ito, gayunpaman, maaaring mayroon kang iba pang mga karapatan sa ilalim ng mga batas ng Australia at New Zealand, tulad ng inilalarawan sa itaas.
Tandaan: Ang mga produktong ipinakikita para ipaayos ay maaaring palitan ng parehong uri na inayos na produkto sa halip na ayusin. Ang mga inayos na piyesa ay maaaring gamitin para kumpunihin/ayusin ang mga produkto.
Ang mga sumusunod na tuntunin at kondisyon ay naaangkop para sa H-D Motorcycle Warranty na ito:
Panahon ng Garantiya
Ang tagal ng H-D Motorcycle Warranty na ito ay dalawampu't apat na buwan, simula sa kung alin ang mas maaga sa:
(a) petsa ng paghahatid ng isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson sa unang mamimili ng tingi; o
(b) ikatlong anibersaryo ng huling araw ng taon ng modelo ng motorsiklo (kung hindi ibinenta sa isang mamimili ng tingi bago ng petsang iyon).
Ang iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ay magsusumite ng elektronikong Sales and Warranty Registration form upang masimulan ang iyong H-D Motorcycle Warranty.
Tandaan: Kung ang motorsiklo ay ginamit bilang demonstrator o motorsiklo ng kompanya, ang panahon ng garantiya ay maaaring nagsimula na at/o nawalan na ng bisa bago ang unang tingiang pagbebenta. Magpunta sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para sa mga detalye.
Anumang hindi pa nawawalan ng bisa na bahagi ng H-D Motorcycle Warranty na ito ay ililipat sa mga kasunod na may-ari, sa panahon ng muling pagbebenta ng motorsiklo sa loob ng panahon ng garantiya. Tingnan ang seksyon ng CONTACT INFORMATION NG MAY-ARI ng Manwal ng May-ari para sa impormasyon tungkol sa notipikasyon ng pagbabago ng pagmamay-ari.
Pagkuha ng Serbisyo sa Garantiya
Upang makakuha ng serbisyo sa garantiya, ibalik ang iyong motorsiklo sa sarili mong gastos sa loob ng panahon ng garantiya sa isang awtorisadong dealer. Malawak, at patuloy na lumalawak, ang network ng mga awtorisadong dealer ng Harley-Davidson. Upang maghanap ng kasalukuyang contact information para sa iyong pinakamalapit na awtorisadong dealer, bisitahin ang aming website sa www.h-d.com.au.
Ang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ay dapat makapagbigay ng serbisyo sa garantiya sa normal na oras ng pagnenegosyo sa lalong madaling panahon, depende sa dami ng trabaho ng departamento na tagapagkaloob ng serbisyo ng awtorisadong dealer at ang pagkakaroon ng mga kinakailangang piyesa.
Ikaw ay responsable sa pagkolekta ng motorsiklo mula sa awtorisadong dealer sa sandaling makumpleto ang serbisyo sa ilalim ng garantiya, sa sarili mong gastos.
Mga Hindi Kasali
Ang H-D Motorcycle Warranty na ito ay hindi magagamit sa anumang motorsiklo (o piyesa o accessory) na:
  1. Hindi pinatakbo o pinanatili gaya ng tinukoy sa Manwal ng May-ari.
  2. Inabuso, pinabayaan, ginamit sa maling paraan, hindi inimbak o itinago nang maayos, ginamit “off-road” o sa hindi maayos na kalsada, o ginamit para sa karera o anumang uri ng kumpetisyon.
  3. Hindi orihinal na niyari para sa paggamit o ibinenta sa Australia at New Zealand at/o hindi tumatalima sa mga kinakailangan ng Australia at New Zealand para sa opisyal na pag-apruba.
  4. Mayroong mga piyesang pang-off-road o pang-kumpetisyon na naka-install upang mapabuti ang pag-andar, o mayroong mga hindi naaprubahang modipikasyon. Maaaring ipawalang-bisa ng mga modipikasyong ito ang lahat o bahagi ng iyong bagong H-D Motorcycle Warranty. Magpunta sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para sa mga detalye.
  5. Kung saan ang pinsala ay dulot ng, o hindi maipatutupad ng Harley-Davidson ang H-D Motorcycle Warranty na ito dahil sa, mga gawa ng Diyos, digmaan, kaguluhan, paghihimagsik, natural na kalamidad, kabilang ang, pero hindi limitado sa, kontaminasyong nuklear, kidlat, sunog sa gubat, bagyo na alikabok, mga hail storm, paagbagyo ng yelo, lindol, baha, o iba pang mga pangyayari na labas sa kontrol ng Harley-Davidson.
  6. Naaksidente, nabangga, nalaglag o natamaan.
Tandaan: Bagaman hindi magagamit ang H-D Motorcycle Warranty na ito sa mga kalagayang nakalahad sa itaas, maaaring mayroon ka pa ring mga karapatan sa ilalim ng mga batas ng Australia at New Zealand, kabilang ang Australian Consumer Law sa gayong mga kalagayan.
Iba Pang Mga Limitasyon
Hindi nasasaklaw ng H-D Motorcycle Warranty na ito ang:
  1. Mga piyesa at accessory na hindi gawa ng Harley-Davidson, o anumang pinsala na naidulot ng pag-install ng mga naturang piyesa at accessory sa motorsiklo, kahit pa ang mga naturang piyesa at accessory ay ikinabit sa motorsiklo sa petsa ng unang pagbili ng tingi. Maaaring magamit ang isang hiwalay na garantiya ng ikatlong partido sa mga naturang piyesa at accessory. Magpunta sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para sa mga detalye.
  2. Mga piyesa at labor para sa normal na pagpapanatili gaya ng inirerekomenda sa Manwal ng May-ari, o ang pagpapalit ng mga piyesa dahil sa normal na pagkaluma at pagkasira kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod: mga bumbilya, gulong, lubrikasyon, pagpapalit ng langis at filter, paglilinis ng sistema ng gasolina, pagpapanatili ng baterya, pag-tune-up ng makina, spark plug, preno, clutch, pag-a-adjust at pagpapalit ng chain/belt.
  3. Kosmetiko o iba pang mga alalahanin na maaaring lumitaw bilang resulta ng pag-abuso ng may-ari, kakulangan ng tamang pagpapanatili o mga kalagayan ng paligid (maliban sa mga alalahanin na dulot ng mga depekto sa mga materyales na ginamit ng pabrika o sa pagkakagawa, na nasasaklaw ng H-D Motorcycle Warranty na ito sa loob ng panahong may bisa ang garantiya).
  4. Anumang kosmetikong kalagayan na umiiral sa panahon ng tingiang paghahatid na hindi naidokumento ng nagbentang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson bago pa man ang tingiang paghahatid.
  5. Mga depekto o pinsala sa motorsiklo na dulot ng mga pag-iiba na labas sa mga ispesipikasyon ng pabrika ng Harley-Davidson, kabilang ang pagkakabit ng mga piyesa at accessory na pang-kumpetisyon o pang-karera at ang pagdaragdag ng mga load/karga at bigat sa motorsiklo na higit sa inirerekomenda ng Harley-Davidson.
  6. Pinsalang dulot ng pagkakabit o paggamit ng mga bahaging hindi gawa ng Harley-Davidson, kahit iyong mga ikinabit ng isang awtorisadong dealer, na naging dahilan para pumalya ang isang piyesa ng Harley-Davidson. Kabilang sa mga halimbawa ang, ngunit hindi limitado sa, mga component o software ng powertrain na nakakapagpabuti ng pag-andar, exhaust system, hindi aprubadong gulong, lowering kit, handlebar, mga dagdag na piyesang nakakonekta sa sistemang elektrikal ng pabrika, tow bar, atbp.
Tandaan: Bagaman hindi saklaw ng H-D Motorcycle Warranty na ito ang mga kalagayang nakalahad sa itaas, maaaring mayroon ka pa ring mga karapatan sa ilalim ng mga batas ng Australia at New Zealand, kabilang ang Australian Consumer Law.
Mahalaga: Basahing Mabuti
  1. Ang mga awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ay mga independienteng pagmamay-ari at pinatatakbo at maaaring magbenta ng mga produktong hindi gawa ng Harley-Davidson. Dahil dito, HINDI PANANAGUTAN NG HARLEY-DAVIDSON ANG KALIGTASAN, KALIDAD, O KAANGKUPAN NG ANUMANG PIYESA, ACCESSORY O PAGBABAGO SA DISENYO NA HINDI HARLEY-DAVIDSON NA MAAARING IBENTA AT/O IKABIT NG MGA AWTORISADONG DEALER NG HARLEY-DAVIDSON O ANG PAGGAWA NA ISASAGAWA NG MGA DEALER.
  2. Ang H-D Motorcycle Warranty na ito ay isang kontrata sa pagitan mo at ng Harley-Davidson. Ito ay hiwalay at bukod sa anumang garantiya na maaari mong matanggap o mabili mula sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson. Ang isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ay hindi awtorisadong ibahin, baguhin, o sa anumang paraan ay palitan ang mga tuntunin at kondisyon ng H-D Motorcycle Warranty na ito.
Anumang gawain sa garantiya o pagpapalit ng piyesa na inawtorisahan ng Harley-Davidson ay hindi hahadlang sa Harley-Davidson na pagbatayan ang anumang pagbubukod kapag napag-alaman ng Harley-Davidson sa ibang pagkakataon na ang inilapat na pagbubukod o ang paghahabol sa garantiya ay hindi tumatalima sa mga tuntunin ng H-D Motorcycle Warranty na ito.
Mga Pangkapaligiran na Salik
  1. Sakop ng garantiya ang kalawang at/o sa isang bahagi, isang beses lamang, sa ilalim ng naaangkop na mga kondisyon. Kung ang isang sasakyan ay nagpapakita ng anuman sa mga kondisyong ito sa higit pa sa isang bahagi, ang sakop ng garantiya ay tatanggihan.
  2. Sakop ng garantiya ang kalawang at/o sa maraming bahagi lamang kung ang mga ito ay parehong bahagi (hal. parehong salamin, parehong rider footboard, atbp.)
  3. Hindi sakop ng garantiya ang kalawang at/o sa mga gulong sa anumang oras maliban kung ang kondisyon ay wastong nadokumento sa DPQA. Para sa mga kondisyon na ginagarantiyahan tingnan ang Gabay sa Kosmetikong Kalidad.
  4. Hindi sakop ng garantiya ang kalawang at/o bilang resulta ng pinsala mula sa basura sa daan, mga panganib, kapabayaan, pagkalantad sa kemikal o abuso/maling paggamit ng motorsiklo.
  5. Hindi sakop ng garantiya ang kalawang sa loob ng tangke ng gasolina.
Ang may-ari ang may pananagutan para sa pagprotekta ng motorsiklo mula sa anumang problema sa kosmetiko na resulta mula sa paggamit at/o mula sa pagkalantad mula sa mga elemento.