Check Engine Lamp (Ilaw na Nagpapahiwatig na Suriin ang Makina)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Ipinahihiwatig ng check engine lamp ang kondisyon ng makina/engine management system.
Kadalasang umiilaw ang check engine lamp kapag unang pinaandar ang motorsiklo. Sa panahong ito, magsasagawa ang engine management system ng serye ng self-diagnostics.
Kapag hindi namatay ang ilaw pagkatapos paandarin ang makina o kapag umilaw ito sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Kaunting Gasolina
Solid: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Ipinahihiwatig ng babalang ilaw ng kaunting gasolina na umabot na sa mababang antas ang gasolina sa tangke (pagtatantiya). Tingnan ang Mga Ispesipikasyon para sa mababang antas ng gasolina. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer para sa mga feature ng saklaw ng gasolina.
Kumikislap: Kung ang ilaw ng mababang gasolina ay patuloy na kumikislap o nananatiling nakabukas pagkatapos na punuin ang tangke ng gasolina, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Pagkadiskarga ng Baterya
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Ipinahihiwatig ng ilaw ng pagkakadiskarga ng baterya ang labis na pag-charge o kulang sa pag-charge ng baterya. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagpapanatili ng Baterya .
Indikator na Ilaw ng Seguridad/Depekto
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Ipinakikita ng ilaw ng seguridad ang status ng system ng seguridad at elektrikal na self-diagnostics para sa motorsiklo. Tingnan ang SISTEMA NG SEGURIDAD → System ng Seguridad para sa pagpapagana ng sistemang panseguridad.
Kumikislap: Aktibo ang sistema ng seguridad.
Solido (aktibo ang sistema ng seguridad): Naka-activate ang alarm.
Solido (di-aktibo ang sistema ng seguridad): Kung ang ilaw ay nananatiling nakabukas, may umiiral na dayagnostikong trouble code. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Indicator na Ilaw para sa Senyas ng Pagliko
Kumikislap: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Naka-activate ang senyas ng pagliko. Kapag gumagana ang mga 4-way hazard flasher, sabay na kikislap ang mga indicator ng pagliko.
Mabilis na pagkislap: May bumbilya ng senyas na hindi gumagana. Mag-ingat at sumenyas gamit ang mga kamay. Palitan ang mga bahaging hindi gumagana sa lalong madaling panahon.
High Beam na Ilaw ng Headlamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Nakailaw ang high beam ng headlamp kapag naka-activate ang high beam o flash to pass.
Ilaw ng Nyutral
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Nakabukas ang ilaw ng nyutral kapag nakanyutral ang transmisyon.
Ilaw ng Cruise Control
Naka-off: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Hindi gumagana ang cruise control.
Kahel: Pinagana ang cruise kontrol. Hindi naka-set ang bilis ng pag-cruise o kaya naka-disengage.
Berde: Nakatakda ang bilis ng pag-cruise. Ang bilis ng sasakyan ay pinangangasiwaan ng cruise control system.
Indicator na Ilaw ng Auxiliary/Fog Lamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Nakabukas ang indicator na ilaw ng auxiliary/fog kapag nakabukas ang mga ilaw ng auxiliary/fog.
Gear Indicator
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Ang napiling gear sa kasalukuyan (1-6) ay makikita sa window ng odometer. Ang gear indicator ay kinakalkula mula sa bilis ng sasakyan at bilis ng makina. Ang gear indicator ay mananatiling blangko kapag nakanyutral ang transmisyon, nakapasok ang clutch lever o hindi gumagalaw ang sasakyan.
Maaaring pansamantalang hindi maging tumpak ang gear indicator depende sa paggamit ng clutch ng rider at sa pagkapudpod nito. Maaaring mangyari ito kapag nahahayaang dumulas ang clutch dahil sa labis na pagkapudpod, maling pag-adjust sa clutch o sa gumagamit ng clutch.
Ilaw ng ABS
BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa 5 km/h (3 mph) o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS. Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
Mabagal na pagkislap: Ang ABS na ilaw ay nag-uumpisang kumislap kapag ang sasakyan ay pinaandar. Ipinahihiwatig ng kumikislap na ilaw na nasa mode ng self-diagnosis ang system. Patuloy itong kikislap hanggang sa lumampas ang bilis ng motorsiklo sa 5 km/h (3 mph) . Hindi gagana ang ABS hangga’t hindi namamatay ang ilaw.
BABALA
Ang mabilis na pagkislap ng ilaw ng ABS habang nakailaw din ang pulang ilaw na indicator ng depekto ay nagpapahiwatig na posibleng may sira sa sistema ng preno. Itabi ang motorsiklo mula sa kalsada habang nakalapat ang parehong harapan at likurang preno para bumagal ang takbo at ihinto ang motorsiklo sa isang ligtas na lugar. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang sistema ng preno. Ang pagpapatakbo ng motorsiklo na may hindi maayos na gumaganang sistema ng preno ay maaaring negatibong makaapekto sa paggana ng preno, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (08904a)
Mabilis na pagkislap at nananatiling nakailaw ang indikator na ilaw ng seguridad/depekto: Nagpapahiwatig ito ng isang potensiyal na sira sa sistema ng preno. Paganahin ang parehong harapan at likurang mga preno para bumagal at huminto ang motorsiklo. Maaaring maging matigas ang mga kontrol ng preno kapag inilapat. Kung ito ay mangyayari, dalhin ang motorsiklo sa isang ligtas na lugar para huminto. Kailangang ipaserbisyo upang maitama ang depekto bago magpatuloy na sumakay. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Solido: Ang patuloy na pag-ilaw ng ilaw ay nagpapahiwatig ng isang sira sa ABS. Hindi gumagana ang ABS at gumagana ang mga preno bilang mga prenong hindi ABS. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Talahanayan 1. Katayuan ng Ilaw ng ABS
ILAW NG ABS
ESTADO
Kumikislap ang Ilaw ng ABS
START-UP: Pagtsek ng bumbilya ng Ilaw ng ABS.
Naka-off ang Ilaw ng ABS
NORMAL NA OPERASYON: Pagkatapos ng bilis ng sasakyan > 5 km/h (3 mph) .
Tuluy-tuloy ang Ilaw ng ABS
Hindi gumagana ang ABS
Mabilis na Kumikislap ang Ilaw ng ABS na may Solidong Pulang Ilaw na Indikasyon ng Seguridad/Depekto
Pagkasira ng Sistema ng Preno, Huwag sumakay.
Ilaw ng Temperatura ng Coolant ng Makina
BABALA
Huwag luwagan o alisin ang pressure cap kapag mainit pa ang cooling system. Ang cooling system ay may presyon at maaaring sumingaw ang mainit na coolant at singaw sa pressure cap, na maaaring maging sanhi ng malubhang pagkapaso. Hayaang lumamig muna ang motorsiklo bago ayusin ang cooling system. (00091c)
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang engine coolant temperature indicator light, palaging suriin ang antas ng coolant. Kung ang engine coolant ay normal at nakailaw pa rin ang lampara, ihinto kaagad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00158a)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Nakabukas ang ilaw ng temperatura ng coolant ng makina kapag lumampas na sa hangganang temperatura ang coolant.
Suriin ang coolant. Magdagdag ng coolant kung kinakailangan. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Cooling System . Para sa iba pang mga posibleng problema ng sistema ng coolant, tingnan ang Pag-aayos ng Problema → Cooling System .
Kapag sapat ang antas ng langis ng makina at nananatiling nakabukas ang ilaw, agad na ihinto ang makina. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Ilaw ng Presyon ng Langis
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Bubukas ang ilaw ng presyon ng langis kapag binuksan ang motorsiklo. Mananatiling nakabukas ang ilaw hangga’t hindi pinaaandar ang makina.
Kapag nakabukas ang ilaw habang tumatakbo ang makina, hindi sapat ang umiikot na langis sa makina.
Suriin ang langis ng makina. Magdagdag ng langis kapag kinakailangan. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Suriin ang Langis ng Makina . Para sa iba pang mga posibleng dahilan, tingnan ang Pag-aayos ng Problema → Makina .
Kapag sapat ang sukat ng langis ng makina at nananatiling nakabukas ang ilaw, agad na ihinto ang makina. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Mababang Presyon ng Gulong/TPMS Fault Lamp
BABALA
Siguraduhing ang mga gulong ay wastong napahanginan, balansyado, walang sira, at hindi pa pudpod ang tread. Regular na suriin ang iyong mga gulong at magtungo sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa mga kapalit. Ang pagsakay sa masyadong pudpod, hindi balansyado, hindi wastong napahanginan, labis ang karga o sirang mga gulong ay maaaring humantong sa pagkasira ng gulong at nakakaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00014b)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga indicator na ilaw . Ipinahihiwatig ng ilaw ng pagkasira ng mababang presyon ng gulong/TPMS kapag may nangyaring kalagayan ng mababang presyon ng gulong o pagkasira ng TPMS system.
Kumikislap (60 segundo na susundan ng solid na ilaw): Natukoy ang pagkasira ng TPMS. Bubukas din ang ilaw ng seguridad upang ipakita na may umiiral na diagnostic trouble code. Maari itong mangyari dulot ng iba’t ibang dahilan, kabilang ang kawalan ng signal mula sa mga sensor o pagpalya ng baterya ng sensor. Maaaring hindi makita ang datos ng presyon ng gulong habang nakabukas ang ilaw. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Solido: Natukoy ng sistema na isa o marami pa sa mga gulong ay may mababang presyur. Ipapahiwatig din ng radyo ang mga detalye para sa kondisyong ito. Maingat na ihinto ang sasakyan at gumamit ng panukat ng presyon ng gulong upang malaman ang presyon ng bawat apektadong gulong. Pahanginan ang mga gulong ayon sa mga espesipikasyon sa Bago Sumakay → Pagtsetsek ng Presyon ng Gulong at Pagsisiyasat ng Mga Gulong → Mga Tinukoy na Gulong o gaya ng tinukoy sa label sa frame downtube. Mamamatay ang ilaw kapag sumakay ka sa motorsiklo nang may tamang presyon ang mga gulong. Sumangguni rin sa Bago Sumakay → Pagtsetsek ng Presyon ng Gulong at Pagsisiyasat ng Mga Gulong para punan ang mga presyon ng gulong para sa mga gulong na ginamit kamakailan. Kung ang presyur ng gulong ay ina-adjust batay sa Bago Sumakay → Pagtsetsek ng Presyon ng Gulong at Pagsisiyasat ng Mga Gulong , muling i-adjust batay sa mga rekomendasyon sa lalong madaling panahon.
TALA
Huwag gamitin ang TPMS system bilang panukat ng presyon kapag nagdaragdag o nagbabawas ng hangin sa gulong. Nagpapadala ng datos ng sensor sa TPMS sa iba’t ibang pagkakataon (depende kung umaandar ang sasakyan, nakasandal sa jiffy stand, o may malaking pagbabago sa presyon ng gulong). Maaaring hindi kaagad na mag-refresh ang datos ng presyon ng gulong kapag nagdaragdag o nagbabawas ng hangin sa gulong. Maaari itong magresulta sa labis na paghahangin o kulang sa paghahangin.
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer para sa datos ng presyon ng gulong na ipinapakita sa odometer.
Tingnan ang Pagpapatakbo → Kalagayan ng Sasakyan sa Boom! Box at ang MANWAL NG MAY-ARI NG BOOM! BOX para sa mga function ng TPMS sa radyo.
Traction Control Lamp
Solido: Naka-off ang kontrol ng traksyon.
Mabagal na Pagkislap: Ang ilaw ng kontrol ng traksyon ay nagsisimulang kumislap kapag ang sasakyan ay pinaandar. Ipinahihiwatig ng kumikislap na ilaw na nasa mode ng self-diagnosis ang system. Patuloy itong kikislap hanggang sa lumampas ang bilis ng motorsiklo sa 5km/h (3mph). Hindi gagana ang kontrol ng traksyon hangga’t hindi namamatay ang ilaw.
Mabilis na Pagkislap: Nagaganap ang aktibong interbensyon ng sistema ng kontrol ng traksyon.
Naka-Off: Ang sistema ng kontrol ng traksyon ay naka-on.
Solido na kasabay ang pag-ilaw ng Indikator na Ilaw ng Seguridad/Depekto: Nagpapahiwatig ng isang depekto sa kontrol ng traksyon. Hindi gumagana ang traction control at gumagana ang motorsiklo bilang naka-off ang traction control. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Ilaw ng Pang-ulan na Mode
Ipinahihiwatig ng ilaw ng Rain Mode kapag ang traction control ay nasa Rain Mode.
Nananatiling Umiilaw: Ang Traction na kontrol ay nasa Pang-ulan na Mode.
Nakapatay: Ang Traction na kontrol ay nasa Road na Mode.
Hold Kontrol na Ilaw ng Sasakyan
Nananatiling Umiilaw: Ang Hold Control ng Sasakyan ay gumagana at pinapanatili ang presyur ng preno.
Mabagal na Pagkislap: Ay nagpapahiwatig na ang presyur ng preno ay pinapakawalan, o magsisimulang pakawalan ng awtomatiko. Ang rider ay dapat na maging handa na pagganahin ang preno ng manwal o umandar palayo