Pag-a-arm
Kapag nakaparada ang motorsiklo at ang OFF/RUN na switch ay naka-OFF, awtomatikong gumagana ang security system sa loob ng limang segundo kapag walang natukoy na paggalaw. Kahit nasa malapit ang fob, gagana pa rin ang system.
Sa paggana nito, kikislap nang dalawang beses ang mga senyas ng pagliko at huhuni nang dalawang beses ang sirena kung ang sirena ay nasa chirp mode. Habang naka-arm, kikislap ang indicator lamp sa mukha ng speedometer kada tatlong segundo.
TALA
Mga modelong may opsyonal na sirena: Dapat ay nasa chirp mode ang sistema para humuni ang sirena kapag pinagana o inihinto ang paggana. Tingnan ang SISTEMA NG SEGURIDAD → Siren Chirp Mode (Kumpirmasyon) .
Pag-disarm
Habang nasa malapit ang fob, maaaring sakyan o ilipat ng nagmamaneho ang motorsiklo upang iparada, iimbak o paserbisyuhan nang hindi pinatutunog ang alarm. Awtomatiko ang pag-disarm hangga’t nasa loob ng abot ng saklaw ang fob.
Fob: Ang gumaganang security system ay awtomatikong nadi-disarm kapag nasa malapit ang fob at ginalaw ang motorsiklo o ang OFF/RUN na switch ay nilagay sa RUN.
Ang abot ng saklaw ng fob ay 1.5 m (5ft).
Kapag nagdi-disarm ang system, huhuni nang isang beses ang opsyonal na sirena at iilaw ang security indicator lamp nang tuluy-tuloy sa loob ng apat na segundo at pagkatapos ay mamamatay.
Personal identification number (PIN): Kapag na-misplace ang fob o hindi makapag-communicate ang kasalukuyang fob, maaaring i-disarm ang system gamit ang personal identification number (PIN). Sumangguni sa Talahanayan 1.
Pag-disarm gamit ang PIN
Manu-manong i-disarm ang security system gamit ang PIN kapag nawala ang fob, nadiskarga ang baterya ng fob o kung mayroong malakas na electromagnetic interference kung saan ka pumarada.
Huwag pihitin ang mga handlebar, saklangan ang upuan o i-angat ang motorsiklo mula sa jiffy stand. Habang nagdi-disarm gamit ang PIN, kapag may natukoy ang security system na paggalaw ng motorsiklo, i-a-activate nito ang alarm.
TALA
  • Kapag nagkamali sa pagpapasok ng PIN, ilagay ang switch ng OFF/RUN sa OFF bago ipasok ang huling numero at pagkatapos ay simulang muli ang proseso mula umpisa.
  • Kapag hindi na-disarm ng proseso ang security system, maghintay ng dalawang minuto bago subukang muli ang pag-disarm gamit ang PIN.
  • Mananatiling naka-disarm ang security system hanggang sa mailagay sa OFF ang switch ng OFF/RUN.
  • Sa anumang oras habang nagdi-disarm gamit ang PIN, kapag dinala sa loob ng saklaw ang fob, nagdi-disarm ang security system habang natatanggap ng module ang coded signal mula sa fob.
Talahanayan 1. Pagpapasok ng PIN upang I-disarm ang Security System
HAKBANG
BLG.
AKSYON
HINTAYIN ANG KUMPIRMASYON
MGA TALA
1
Kung kinakailangan, i-verify ang kasalukuyang 5-digit na PIN.
Dapat nakatala sa wallet card.
2
Ilagay ang switch ng OFF/RUN sa RUN.
Ipapakita sa display sa window ng odometer ang ENTER PIN.
3
Pindutin at bitawan ang switch ng senyas ng pagliko sa kaliwa.
Sa window ng odometer, lilitaw ang kumikislap na 1.
4
Pataasin ang digit sa pamamagitan ng pag-tap sa senyas ng pagliko sa kaliwa hanggang ipakita sa window ng odometer ang unang digit ng PIN.
Ang unang numero sa odometer ay ang unang numero ng PIN.
5
Pindutin ang switch ng pagliko sa kanannang 1 beses.
Iso-store ang unang numero at kikislap ang susunod na numero.
Magsisilbing enter key.
6
Pataasin ang ikalawang digit gamit ang switch ng pagliko sakaliwa hanggang umabot ang digit sa pangalawang numero ng PIN.
Ang ikalawang digit sa odometer ay ang ikalawang digit ng PIN.
7
Pindutin ang switch ng pagliko sakanan nang 1 beses.
Iso-store ang ikalawang numero at kikislap ang susunod na numero.
Magsisilbing enter key.
8
Pataasin ang ikatlong numero gamit ang switch ng pagliko sakaliwa hanggang umabot sa ikatlong numero ng PIN.
Ang ikatlong numero sa odometer ay ang ikatlong numero ng PIN.
9
Pindutin ang switch ng pagliko sakanan nang 1 beses.
Iso-store ang ikatlong numero at kikislap ang susunod na numero.
Magsisilbing enter key.
10
Pataasin ang ika-apat na digit gamit ang switch ng pagliko sa kaliwa hanggang umabot sa ika-apat na digit ng PIN.
Ang ika-apat na numero sa odometer ay ang ika-apat na numero ng PIN.
11
Pindutin ang switch ng pagliko sa kanan nang 1 beses.
Iso-store ang ika-apat na numero at kikislap ang susunod na numero.
Magsisilbing enter key.
12
Pataasin ang ika-limang numero gamit ang switch ng pagliko sa kaliwa hanggang umabot sa ika-limang numero ng PIN.
Ang ika-limang numero sa odometer ay ang ika-limang numero ng PIN.
13
Pindutin ang switch ng pagliko sa kanan nang 1 beses.
Iso-store ang ika-limang numero. Titigil sa pagkislap ang indicator lamp ng security system.
Na-disarmahan na ang Smart Security System.