Ang mga tunay na piyesa ng Harley-Davidson ay partikular na ginawa at sinubok para sa paggamit sa iyong motorsiklo. Ipilit mo sa iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson na gumamit lamang ng mga tunay na piyesa at accessory ng Harley-Davidson upang mapanatiling buo ang iyong motorsiklong Harley-Davidson at ang limitadong garantiya nito. Hindi lahat ng piyesa at accessory ng Harley-Davidson ay naaangkop para sa modelo o taon ng modelo ng iyong motorsiklo.
PAUNAWA
Posibleng ma-overload ang charging system ng iyong sasakyan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng napakaraming de-kuryenteng accessory. Kung ang pinagsamang de-koryenteng accessory na gumagana nang sabay-sabay ay kumokonsumo ng higit pa sa kuryenteng kayang likhain ng charging system ng sasakyan, maaaring madiskarga ng pagkonsumo ng kuryente ang baterya at magdulot ng pinsala sa sistemang elektrikal ng sasakyan. (00211d)
TALA
Ang pagkakabit ng mga piyesang pang-off-road at pangkumpetisyon upang mapahusay ang pag-andar ay maaring magpawalang-bisa ng lahat o mga bahagi ng iyong limitadong garantiya. Tingnan ang Limitadong Garantiya ng Motorsiklo ng Harley-Davidson sa manwal ng may-ari na ito o magpunta sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para sa mga detalye.