Kapag lumipat ka mula sa iyong kasalukuyang tirahan, ibinenta mo ang iyong motorsiklo, o bumili ka ng segunda-manong motorsiklong Harley-Davidson, magpunta sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson upang i-update ang iyong contact information bilang may-ari.
Magbibigay ito sa Harley-Davidson ng tumpak na pagrerehistro (tulad ng iniaatas ng batas sa ilang bansa), at magpapahintulot sa Harley-Davidson na abisuhan ka kung sakaling magkaroon ng recall o programang may kaugnayan sa produkto.
Ang mga karapatan at benepisyong ipinagkakaloob sa iyo at ang mga obligasyon ng Harley-Davidson. tulad ng itinatakda rito, ay hiwalay at naiiba sa anumang mga karapatan at tungkuling nakatakda sa anumang kontrata ng serbisyo na maaaring nabili mo mula sa isang dealership at/o ikatlong partidong insurance company. Hindi inaawtorisahan ng Harley-Davidson ang sinumang entidad na palawakin ang mga obligasyon sa garantiya ng Harley-Davidson na may kaugnayan sa iyong motorsiklo o sa limitadong garantiya na ito.
Kapag ina-update ang iyong contact information, kakailanganin ng iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ang iyong Vehicle Identification Number (VIN), milyahe sa odometer, at petsa ng paglilipat ng sasakyan (kung naaangkop).