Hindi Gumagana ang Starter o Hindi Umaandar ang Makina
  1. Ang switch ng run ng makina ay nasa posisyong OFF.
  2. Nadiskarga ang baterya o maluwag o kinakalawang ang mga koneksyon (nag-iingay ang solenoid).
  3. Ang clutch lever ay hindi nakalapat nang mabuti sa manibela (handlebar) o wala sa nyutral ang transmisyon.
  4. Hindi nakaangat ang jiffy stand (kailangan para sa mga internasyonal na modelo).
  5. Sumabog na fuse.
Umaandar ang Makina ngunit Ayaw Mag-start
  1. Walang laman ang tangke ng gasolina.
  2. Nadiskarga ang baterya o maluwag o sira ang mga koneksyon ng terminal ng baterya.
  3. Sirang mga spark plug.
  4. Maluwag o hindi na maganda ang koneksyon at nagsho-short ang mga kable ng spark plug at nagsho-short.
  5. Maluwag o kinalawang na koneksyon ng kawad o kable sa coil o baterya.
  6. Hindi gumagana ang pump ng gasolina.
  7. Sumabog na fuse.
Hirap Mag-start
  1. Hindi gumagana nang maayos ang Automatic Compression Release (ACR).
  2. Hindi na maganda ang mga spark plug, mali ang agwat, o bahagyang may-sira.
  3. Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug.
  4. Malapit nang madiskarga ang baterya.
  5. Maluwag na (mga) koneksyon ng wire o kable sa isa sa mga terminal ng baterya o sa coil.
  6. Masyadong mabigat ang langis ng makina (pagpapatakbo tuwing taglamig).
  7. Barado o may nakaharang sa vent ng tangke ng gasolina, o sarado ang dinadaanan ng gasolina, na pumipigil sa pagdaloy ng gasolina.
  8. May tubig o dumi sa sistema ng langis.
  9. Hindi gumagana ang pump ng gasolina.
Nagsa-start ngunit Hindi Regular ang Pagtakbo o Pumapalya
  1. Hindi na maganda o bahagyang may-sira ang mga spark plug.
  2. Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug.
  3. Ang puwang ng spark plug ay masyadong malapit o masyadong malayo.
  4. Malapit nang madiskarga ang baterya.
  5. Sirang kawad o maluwag na koneksyon sa mga terminal ng baterya o sa mga coil.
  6. Pasulpot-sulpot na short circuit dahil sa sirang wire insulation.
  7. May tubig o dumi sa system ng gasolina.
  8. Barado ang vent system ng gasolina. Magpunta sa dealer.
  9. Sira ang isa o higit pang injector.
Paulit-ulit na Nasisira ang Isang Spark Plug
  1. Maling spark plug.
Pre-ignition o Detonasyon (Kumakatok o Nagpi-ping)
  1. Maling langis.
  2. Maling spark plug para sa uri ng serbisyo.
Nag-o-overheat
  1. Hindi sapat ang langis o hindi dumadaloy ang langis.
  2. Mabigat na deposito ng karbon mula sa bumabagal na makina. Magpunta sa dealer.
  3. Hindi sapat ang daloy ng hangin sa ibabaw ng mga cylinder head sa mahabang panahon ng pag-idle o parade duty.
Labis na Panginginig
  1. Maluwag ang mga fork pivot shaft nut sa likod. Magpunta sa dealer.
  2. Maluwag ang mga pang-mount na bolt ng makina sa harap. Magpunta sa dealer.
  3. Maluwag ang mga pang-mount na bolt ng makina hanggang sa transmission. Magpunta sa dealer.
  4. Sirang frame. Magpunta sa dealer.
  5. Mahigpit ang chain o mga link sa harap bilang resulta ng hindi sapat na pag-lubricate o lubhang pudpod na belt.
  6. Sira ang mga gulong at/o goma ng gulong. Magpunta sa dealer.
  7. Hindi nakahanay nang maayos ang sasakyan. Magpunta sa dealer.
Hindi Dumadaloy ang Langis ng Makina (Nakabukas ang Ilaw ng Presyon ng Langis)
  1. Hindi sapat o malabnaw na langis.
  2. Barado ng yelo at putik ang daluyan ng langis sa panahon ng taglamig.
  3. Grounded ang wire ng switch ng signal ng langis o sirang switch ng signal. Magpunta sa dealer.
  4. Sira o hindi naikabit nang tama na check valve. Magpunta sa dealer.
  5. Problema sa pump ng langis. Magpunta sa dealer.