Ang motorsiklo ay manggagaling sa pagawaan nang may dalawang fob ng susi. Ang mga fob ng susi ay elektronikong itinakda ng iyong dealer upang i-disarm ang system ng seguridad at paganahin ang mga power lock para sa iyong motorsiklo. Dalawang fob lang ang pwedeng italaga sa bawat pagkakataon. Ang mga pamalit na fob ng susi ay maaaring bilhin at italaga sa iyong motorsiklo ng isang dealer ng Harley-Davidson.
May natatanging numerong nakalagay sa isang tag na nasa mga fob ng susi. Isulat ang numero ng fob ng iyong susi sa kalakip na espasyo sa harapan ng manwal na ito.
Nare-retract na Susi
Ang nare-retract na susi ay pwedeng gamitin upang manu-manong i-lock at i-unlock ang switch ng fork lock, mga saddlebag at Tour-Pak.
Pahabain ang susi: Tingnan ang Figure 1. Pindutin ang button (2) upang pahabain ang susi.
Paikliin ang susi: Pindutin ang button upang bitawan ang susi. Ikutin ang susi papasok sa katawan ng fob.
Mga Power Lock
Nala-lock at naa-unlock ng fob ng susi ang switch ng fork lock, mga saddlebag at Tour-Pak. Pwedeng paganahin ng fob ng susi ang mga lock habang umaandar o nakapatay ang motorsiklo. Ang epektibong lawak ng paggana ng power lock ay humigit-kumulang 12 m (40 ft) . Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Power Lock .
System ng Seguridad
Maaaring i-disarm ang system ng seguridad kapag nasa saklaw pa ang nakatalagang fob ng susi. Laging dalhin ang fob tuwing sinasakyan, kinakargahan, pinapagasolinahan, ginagalaw, ipinaparada o inaayos ang motorsiklo. Ang lawak na layo para sa pagdis-arma ng sistema ng seguridad ay humigit-kumulang 1,5 m (5 ft) mula sa sentro ng motorsiklo.
Tingnan ang Pagpapatakbo → Walang Susing Ignisyon para patakbuhin ang motorsiklo. Tingnan ang SISTEMA NG SEGURIDAD para sa kumpletong pagsasalarawan ng mga tampok ng sistema ng seguridad.
Pagmamaneho nang walang fob: Pansamantalang makikita sa window ng odometer ang NO FOB kapag dinala ang motorsiklo nang wala ang fob ng susi. Upang i-restart ang motorsiklo nang walang fob ng susi, i-disarm ang system ng seguridad gamit ang PIN. Tingnan ang SISTEMA NG SEGURIDAD → Arming (Pagpapagana) at Disarming (Hindi Pagpapagana) .
Pag-aalis ng fob ng susi kapag nakaparada:Palaging i-lock ang fork at alisin ang fob ng susi kapag nakaparada. Huwag iwanang nakakabit ang fob ng susi sa mga handlebar o itago ang fob sa loob ng luggage compartment. Kapag nasa saklaw pa ang fob ng susi, maaaring paandarin ang motorsiklo at hindi tutunog ang alarm.
Pagpapalit ng Baterya
BABALA
NAGLALAMAN NG BUTTON O COIN CELL NA BATERYA. ILAYO SA NAAABOT NG MGA BATA.
Ang paglunok nito ay magreresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. Ang pagkabulunan, mga kemikal na pagkasunog at pagkabutas ng soft tissue ay maaaring mangyari. Malubhang pagkasunog ang maaaring mangyari sa loob ng 2 oras ng paglunok o pagkalagay sa anumang bahagi ng katawan. Kinakailangan ang agarang medikal na atensiyon. (13105b)
Palitan ang baterya ng fob taun-taon.
  1. Tingnan ang Figure 2 . Dahan-dahang magpasok ng manipis na blade sa slot ng thumbnail (1) sa gilid ng fob upang paghiwalayin ang dalawang kalahati.
  2. Alisin ang baterya (2) at itapon.
    1. Itulak ang aldaba (3) palayo sa baterya.
    2. I-angat ang baterya mula sa gilid na katapat ng aldaba.
  3. Magkabit ng bagong baterya (CR2032) nang nakatihaya ang positibong bahagi.
    1. Tiyakin na nakadikit nang husto ang mga metal tab sa baterya. Medyo ikurba kung kinakailangan.
    2. Ikabit ang baterya sa aldaba nang nakatihaya ang positibong bahagi.
  4. I-snap nang magkasama ang dalawang kalahati.
1Susi
2Button
3Fob
Figure 1. Pagpapagana ng Susi
1Slot para sa thumbnail
2Baterya
Figure 2. Baterya ng Fob