PAUNAWA
Kapag kailangan ng pamalit, gamitin lamang ang tinukoy na sealed beam unit o bumbilya, na makukuha sa dealer ng Harley-Davidson. Ang sealed beam o bumbilyang may di-tamang wattage ay maaaring magdulot ng mga problema sa pag-charge ng system. (00209a)
TALA
Walang mga pamalit na bumbilya ang LED na headlamp. Palitan ang assembly kapag nasira ito.
Pag-aalis
  1. Alisin ang turnilyo sa ibabang bahagi ng chrome na pinto ng headlamp.
  2. Ikutin ang pinto nang pa-counterclockwise o pakaliwa nang ilang degree. Hilahin ang pinto ng headlamp nang diretsong paharap para maalis.
  3. Tingnan ang Figure 1. Alisin ang mga turnilyong nagkakabit sa retaining ring.
  4. Alisin ang konektor ng headlamp.
Pagkakabit
1. Ikabit ang konektor ng headlamp.
2. Ikabit ang assembly ng headlamp gamit ang retaining ring at mga turnilyo. Higpitan ang mga turnilyo sa 2,5–3,6 N·m (22–32 in-lbs).
3. Ikabit ang chrome na pinto ng headlamp.
a. Tiyaking nasa lugar ang gomang selyo sa pinto ng headlamp. Gumamit ng panlinis ng salamin sa selyo para mapadali ang pagkakabit.
b. Itulak ang pinto ng headlamp nang diretso sa headlamp habang ang pinto ng headlamp ay nakaikot nang ilang degree na pa-counterclockwise o pakaliwa.
c. Ikutin nang pa-clockwise hanggang sa pwede nang ikabit ang turnilyo. Higpitan sa 1–2 N·m (9–18 in-lbs).
Figure 1. Mga Pampirming Turnilyo (Retaining Screws) ng Headlamp