1. Patakbuhin ang motorsiklo hanggang maabot ng makina ang normal na temperatura ng pagpapatakbo. Patayin ang makina.
BABALA
Siguraduhinng walang lubricant o fluid na mapupunta sa mga gulong, goma ng gulong o preno kapag nagpapalit ng fluid. Maaaring lubhang maapektuhan ang traksyon, na maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa motorsiklo at kamatayan o malubhang pinsala. (00047d)
2. Tiyaking nakatayo ang motorsiklo (hindi nakasandal sa jiffy stand) at nasa patag na daan.
3. Tingnan ang Figure 1. I-drain ang pangunahing chaincase.
4. Linisin ang magnet ng drain plug. Kapag napakaraming dumi ng plug, siyasatin ang lagay ng mga bahagi ng chaincase.
5. Ikabit ang drain plug at ang bagong O-ring. Higpitan sa 19–28,5 N·m (14–21 ft-lbs).
Figure 1. Pag-alis/Pag-install ng Chaincase Drain Plug
6. Tingnan ang Figure 3. Alisin ang mga turnilyo (3) at takip ng clutch (clutch inspection cover) (2).
7. Alisin ang selyo (1). Punasan ang langis sa mga espasyo sa takip ng chaincase at sa panig na pagkakabitan.
PAUNAWA
Huwag punuin nang sobra-sobrang lubricant ang primary crankcase. Ang labis na pagpuno ay maaaring magdulot ng mahirap na pag-engage ng clutch, hindi ganap na pag-engage, pag-drag ng clutch at/o kahirapan sa paghahanap ng neutral habang naka-idle ang makina. (00199b)
8. Magdagdag ng lubricant.
a. Magbuhos ng tinukoy na dami ng SCREAMIN' EAGLE SYN3 FULL SYNTHETIC MOTORCYCLE LUBRICANT 20W50 sa bibig ng takip ng clutch (clutch inspection cover). Sumangguni sa Talahanayan 1.
b. Tingnan ang Figure 2. Ang tamang sukat ay humigit-kumulang nasa ibabang bahagi ng pressure plate OD.
Talahanayan 1. Lubricant ng Primary Chaincase
ITEM
DRY FILL(2)
WET FILL(3)
Oz
L
Oz
L
Dami(1)
34
1.0
30
0.9
(1) Tinatayang dami. Punuin hanggang ilalim ng pressure plate OD habang nakatayo ang sasakyan.
(2) Ang takip ay tinanggal at ikinabit.
(3) Ang lubricant ay sinaid sa pamamagitan lamang ng drain plug.
Figure 2. Sukat ng Primary na Lubricant
9. Ikabit ang takip ng clutch at bagong selyo.
a. Punasan nang husto ang lubricant sa panig na pagkakabitan ng takip at sa espasyo sa takip ng chaincase.
b. Tingnan ang Figure 3. Ipuwesto ang bagong selyo (1) sa espasyo sa takip ng clutch (2). Itulak ang bawat nub sa selyo papasok sa mga espasyo.
c. Ikabit nang maayos ang takip ng clutch (2) gamit ang mga turnilyo na may mga captive washer (3).
d. Tingnan ang Figure 4. Higpitan sa pagkakasunud-sunod na ipinapakita sa 9,5–12,2 N·m (84–108 in-lbs).
1Selyo
2Takip para sa inspeksyon ng clutch
3Turnilyo at captive na washer (5)
Figure 3. Takip ng Clutch (Karaniwan)
Figure 4. Pagkakasunud-sunod ng Paghihigpit ng Takip ng Clutch