Nakatigil, Nakapatay ang Makina
Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch. Hindi nag-e-engage ang mga gear dahil hindi umiikot ang mga transmission shaft at hindi nakahanay ang mga bahagi ng shifter. Ugain ang motorsiklo nang paatras at pasulong habang bahagyang pinipindot ang shift lever o kambyo.
Upshift (Pagpapabilis)
Tingnan ang
Figure 1. Ikambyo sa susunod na mas mataas na gear kapag naabot ng motorsiklo ang bilis na kinakailangan para mag-shift. Sumangguni sa
Talahanayan 1.
Talahanayan 1. Inirerekomendang Mga Bilis bago Mag-upshift
PAGBABAGO NG GEAR | mph | km/h |
---|
Una hanggang ikalawa | 15 | 25 |
Ikalawa hanggang ikatlo | 25 | 40 |
Ikatlo hanggang ikaapat | 35 | 55 |
Ikaapat hanggang ika-lima | 45 | 70 |
Ika-lima hanggang ikaanim | 55 | 85 |
Isara ang throttle.
Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch.
Hilahin ang gear shift lever o kambyo hanggang sa dulo at bitiwan ito.
Bitawan nang dahan-dahan ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
Ulitin ang mga nakaraang hakbang upang magkambyo sa mga natitirang gear.
TALA
Figure 1. Sequence ng pag-shift: Upshift
Downshift (Pagpapabagal)
BABALA
Huwag mag-downshift sa mga bilis na mas mataas kaysa sa mga nakalista. Ang pag-shift sa mas mababang gears kapag masyadong mabilis ang takbo ay maaaring maging sanhi para mawalan ng traksyon ang likurang gulong at humantong sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00045b)
Tingnan ang
Figure 2. Kapag bumagal ang tulin, tulad ng pag-akyat sa isang burol o pagbagal para lumiko, mag-shift sa susunod na mas mababang gear. Sumangguni sa
Talahanayan 2.
Talahanayan 2. Mga Irerekomendang Bilis Bago Mag-downshift
PAGBABAGO NG GEAR | mph | km/h |
---|
Ikaanim hanggang ika-lima | 50 | 80 |
Ikalima hanggang ikaapat | 40 | 65 |
Ikaapat hanggang ikatlo | 30 | 50 |
Ikatlo hanggang ikalawa | 20 | 30 |
Ikalawa hanggang una | 10 | 15 |
TALA
Ang mga punto ng pag-shift na ipinapakita sa talahanayan ay mga rekomendasyon. Maaaring maiba sa talahanayan ang mga indibidwal na punto ng pag-shift.
Isara ang throttle.
Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch.
Ibaba ang gear shift lever hanggang sa dulo at bitawan ito.
Bitawan nang dahan-dahan ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
Ulitin ang mga nakaraang hakbang upang magkambyo sa mga natitirang gear.
TALA
PAUNAWA
Mag-shift muna sa neutral bago pahintuin ang makina. Ang mekanismo ng pag-shift ay maaaring mapinsala kapag nagpalit ng gear habang nakahinto ang makina. (00183a)
Pinahihintulutan ng mekanismo ng gear shifter o kambyo ang pag-shift o pagkambyo ng transmisyon sa nyutral mula sa una o ikalawang gear.
Figure 2. Sequence ng Shifting: Pag-downshift