TALA
Ang ibang indicator lamp ay maaaring wala sa ibang modelo.
Check Engine Lamp (Ilaw na Nagpapahiwatig na Suriin ang Makina)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Ipinahihiwatig ng check engine lamp ang kondisyon ng makina/engine management system.
Kadalasang umiilaw ang check engine lamp kapag unang pinaandar ang motorsiklo. Sa panahong ito, magsasagawa ang engine management system ng serye ng self-diagnostics.
Kapag hindi namatay ang ilaw pagkatapos paandarin ang makina o kapag umilaw ito sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Kaunting Gasolina
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Ipinahihiwatig ng babalang ilaw ng kaunting gasolina na umabot na sa mababang antas ang gasolina sa tangke (pagtatantiya). Sumangguni sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Kapasidad para sa mababang lebel ng gasolina. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer para sa mga feature ng saklaw ng gasolina.
Kumikislap: Kapag patuloy na kumikislap ang ilaw ng kaunting gasolina, o kapag nanatili itong nakabukas pagkatapos kargahan ang tangke ng gasolina, magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Pagkadiskarga ng Baterya
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Ipinahihiwatig ng ilaw ng pagkadiskarga ng baterya ang labis na pag-charge o kakulangan sa pag-charge ng baterya. Sumangguni sa Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagpapanatili ng Baterya .
Indikator na Ilaw ng Seguridad/Depekto
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Ipinakikita ng ilaw ng seguridad ang status ng system ng seguridad at ang elektrikal na self-diagnostics para sa motorsiklo. Sumangguni sa SISTEMA NG SEGURIDAD → System ng Seguridad para sa pagpapagana ng sistema ng seguridad.
Kumikislap: Aktibo ang system ng seguridad.
Solid (aktibo ang system ng seguridad): Naka-activate ang alarm.
Solid (naka-disarm ang system ng seguridad): Kapag nanatiling naka-on ang ilaw, ipinahihiwatig nito ang isang depekto, tumungo sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Indicator na Ilaw para sa Senyas ng Pagliko
Kumikislap: May pinagaganang senyas ng pagliko. Kapag gumagana ang mga 4-way hazard flasher, sabay na kikislap ang mga indicator ng pagliko.
Mabilis na pagkislap: May bumbilya ng senyas ng pagliko na hindi gumagana. Mag-ingat at sumenyas gamit ang mga kamay. Palitan ang mga bahaging hindi gumagana sa lalong madaling panahon.
High Beam na Ilaw ng Headlamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Nakailaw ang high beam ng headlamp kapag naka-activate ang high beam o flash to pass.
Ilaw ng Nyutral
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Nakabukas ang ilaw ng nyutral kapag nakanyutral ang transmisyon at hindi pinagagana ang reverse. Ang neutral lamp ay namamatay kapag nagbukas ang reverse lamp.
Ilaw ng Cruise Control
Naka-Off: Hindi naka-enable ang cruise control.
Kahel: Gumagana ang cruise control. Hindi naka-set ang bilis ng pag-cruise o kaya naka-disengage.
Berde: Naka-set ang bilis ng pag-cruise.
Auxiliary/Fog Lamp Indicator Lamp: Tri Glide Ultra (FLHTCUTG) DOMESTIC
Nakabukas ang indicator na ilaw ng auxiliary/fog kapag nakabukas ang mga ilaw ng auxiliary/fog.
Gear Indicator: Tri Glide Ultra (FLHTCUTG)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Sa ibang kargadong modelo, ipinakikita sa window ng odometer ang kasalukuyang napiling gear (1-6). Ang gear indicator ay kinakalkula mula sa bilis ng sasakyan at bilis ng makina. Ang gear indicator ay mananatiling blangko kapag nakanyutral ang transmisyon, nakapasok ang clutch lever o hindi gumagalaw ang sasakyan.
Maaaring pansamantalang hindi maging tumpak ang gear indicator depende sa paggamit sa clutch ng rider at sa pagkapudpod nito. Maaaring mangyari ito kapag nahahayaang dumulas ang clutch dahil sa labis na pagkaluma/pagkapudpod, maling pag-adjust ng clutch o kapag nakababad ang operator sa clutch.
Ilaw ng ABS
BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa 5 km/h (3 mph) o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS. Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
Kumikislap: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Magsisimulang kumislap ang ilaw ng ABS kapag umaandar ang sasakyan. Ipinahihiwatig ng kumikislap na ilaw na nasa mode ng self-diagnosis ang system. Patuloy itong kikislap hanggang lumampas ang bilis ng motorsiklo sa 5 km/h (3 mph). Hindi gumagana ang ABS hangga’t hindi namamatay ang lamp.
Nananatiling Nakailaw: Ang patuloy na pag-ilaw ng ilaw ay nagpapahiwatig ng sira sa ABS. Hindi gumagana ang ABS at gumagana ang mga preno bilang mga prenong hindi ABS. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Reverse Lamp (Ilaw ng Pag-atras)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Ipinahihiwatig ng reverse lamp na pinagagana ang reverse o pag-atras. Tingnan ang Pagpapatakbo → Reverse Operation para sa paatras na pagpapatakbo.
Parking Brake Lamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Umiilaw ang parking brake indicator lamp kapag inilapat ang parking brake. Tingnan ang Bago Sumakay → Parking Brake para sa pagpapagana ng preno sa pagparada (parking brake).
Engine Coolant Temperature Lamp (Ilaw ng Temperatura ng Coolant ng Makina): Tri Glide Ultra (FLHTCUTG)
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang engine coolant temperature indicator light, palaging suriin ang antas ng coolant. Kung ang engine coolant ay normal at nakailaw pa rin ang lampara, ihinto kaagad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00158a)
BABALA
Huwag luwagan o alisin ang pressure cap kapag mainit pa ang cooling system. Ang cooling system ay may presyon at maaaring sumingaw ang mainit na coolant at singaw sa pressure cap, na maaaring maging sanhi ng malubhang pagkapaso. Hayaang lumamig muna ang motorsiklo bago ayusin ang cooling system. (00091c)
Sa mga sasakyan na Twin-Cooled, umiilaw ang engine coolant temperature lamp kapag lumampas sa hangganang temperatura ang coolant.
Suriin at magdagdag ng coolant kung kinakailangan. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Cooling System . Para sa iba pang mga posibleng problema ng sistema ng coolant, tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Cooling System .
Kapag wasto ang antas ng coolant at patuloy pa ring nakailaw ang lamp, kaagad na patayin ang makina at tumungo sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Ilaw ng Presyon ng Langis
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento . Iilaw ang oil pressure lamp kapag binuksan ang ignition. Mananatiling nakabukas ang ilaw hangga’t hindi pinaaandar ang makina.
Kapag nakabukas ang ilaw habang tumatakbo ang makina, hindi sapat ang umiikot na langis sa makina.
Suriin at magdagdag ng langis sa makina kung kinakailangan. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Suriin ang Langis ng Makina . Para sa iba pang mga posibleng dahilan, tingnan ang Pag-aayos ng Problema → Makina .
Kapag hindi sapat ang antas ng langis sa makina at patuloy na naka-ilaw ang lamp, kaagad na patayin ang makina at tumungo sa dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Traction Control Lamp
Solid o Hindi Kumikislap: In-off o pinatay ang traction control.
Kumikislap: Nagaganap ang aktibong interbensyon ng traction control system.
Nakapatay: Naka-on ang traction control system.
Nananatiling Nakailaw at naka-on ang indikator na ilaw ng Seguridad/Depekto: Ang patuloy na pag-ilaw ng ilaw na may pag-ilaw ng indikator na ilaw ng Seguridad/Depekto ay nagpapahiwatig ng sira sa kontrol ng traksyon. Hindi gumagana ang traction control at gumagana ang motorsiklo bilang naka-off ang traction control. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.