BABALA
Iwasan ang mga tapon. Dahan-dahang buksan ang takip ng filler ng gasolina. Huwag punuin nang lampas sa ibabaw ng bottom filler neck insert, upang magtira ng espasyong hangin para sa pag-expand ng gasolina. Siguraduhing nakasara nang maayos ang filler cap pagkatapos ng pagpapagasolina. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00028b)
BABALA
Maging maingat kapag nagpapagasolina. Maaaring pwersahin ng presyon ng hangin sa tangke ang gasolinang lumabas sa pamamagitan ng filler tube. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00029a)
Pag-aalis sa Takip ng Gasolina (Fuel Filler Cap)
1. Tingnan ang Figure 1 . Ipasok ang susi ng ignisyon sa susian (2).
TALA
Aangat ang takip kapag ipinihit ang susi.
2. Ipihit ang susi nang pa-clockwise (pakanan).
3. Tanggalin ang takip ng filler.
PAUNAWA
Huwag magtapon ng gasolina sa motorsiklo habang nagpapagasolina. Punasan agad ang mga tagas ng gasolina sa iyong motorsiklo. Ang gasolina ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga kosmetikong ibabaw. (00147b)
4. Kargahan ang tangke. Gumamit lamang ng inirerekomendang gasolina. Tingnan ang Bago Sumakay → Impormasyon ng Sistema ng Gasolina. Huwag sobrang punuin ang tangke ng gasolina. Ipasok ang nozzle ng pump sa butas ng filler. Huwag kargahan ang tangke nang lampas sa ilalim ng leeg ng filler. Tingnan ang Figure 2 . Ang mainit na makina, ang araw o matitinding temperatura ay maaaring magpaalsa sa gasolina. Maaaring tumapon papalabas ng tangke ang gasolina at masira ang finish. Tingnan ang Kaligtasan Muna → Mga Panuntunan sa Ligtas na Pagpapatakbo.
Pagkakabit sa Takip ng Gasolina (Fuel Filler Cap)
BABALA
Huwag gumamit ng takip ng gasolina na aftermarket. Ang mga fuel cap na aftermarket ay maaaring hindi sakto ang hapit at tumagas, na maaaring humantong sa kamatayan o malubhang pinsala. Bumisita sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa mga aprubadong fuel cap. (00034a)
TALA
Nakaturo ang arrow sa takip sa index tab sa takip. Pumapantay ang index tab sa isang puwang sa pasukan ng gasolina sa tangke.
  1. Tiyakin na ang susi ay ganap na nakapuwesto sa takip bago ang muling pagkakabit.
  2. Ikabit ang takip ng fuel filler nang nakaturo sa harap ang arrow na pang-align (1).
  3. Diinan ang paligid ng takip upang isiksik ang spring ng takip. Maaaring may marinig kang 2 malakas na click habang nagla-lock sa posisyon ang takip.
  4. Ipihit ang susi nang pakaliwa para i-lock ang takip at tanggalin ang susi.
1Arrow na pampantay
2Susian
Figure 1. Takip ng Gasolina (Fuel Filler Cap)
Figure 2. Antas ng Gasolina sa ibaba ng Filler Neck