Pangkalahatan
Tingnan ang Figure 2 . Nagtatalaga ng natatanging 17-digit na serial o Vehicle Identification Number (VIN) sa bawat motorsiklo. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Lokasyon
Tingnan ang Figure 1 . Ang buong 17-digit na VIN ay nakatatak sa kanang bahagi ng kaha, malapit sa steering head. Sa ilang destinasyon, may nakakabit ring naka-print na label ng VIN sa may downtube sa harapan.
Dinaglat na VIN
Nakatatak sa kaliwang bahagi ng crankcase, sa pagitan ng mga cylinder ng makina, ang dinaglat na VIN na nagpapakita ng modelo ng sasakyan, uri ng makina, taon ng modelo, at numero ng pagkakasunud-sunod.
TALA
Palaging ibigay ang buong 17-digit na Vehicle Identification Number kapag umo-order ng mga piyesa o nagtatanong tungkol sa iyong motorsiklo.
1Natatakang VIN
2Label ng VIN
Figure 1. Mga Lokasyon ng VIN
Figure 2. Karaniwang Harley-Davidson VIN: Mga 2020 Street Model
Talahanayan 1. VIN Breakdown ng Harley-Davidson: Mga 2020 Street Model
POSISYON
PAGLALARAWAN
MGA POSIBLENG NUMERO
1
Pandaigdigang pangkilala ng tagagawa (manufacturer)
1HD=Orihinal na ginawa sa Estados Unidos
5HD=Orihinal na ginawa sa Estados Unidos o sa Thailand para sa pagbebenta sa labas ng Estados Unidos
MEG=Orihinal na ginawa sa India
MLY=Orihinal na ginawa sa Thailand
2
Uri ng motorsiklo
4=Middleweight na motorsiklo (351 cm3 hanggang 900 cm3)
3
Modelo
Tingnan ang talahanayan ng VIN ng modelo
4
Uri ng makina
A=Revolution X™ 500 cm3 liquid-cooled, fuel-injected
B=Revolution X™ 750 cm3 liquid-cooled, fuel-injected
G=High Output Revolution X™ 750 cm3 liquid-cooled, fuel-injected
5
Pag-calibrate/pag-configure, introduksyon
1=Domestic (DOM)
2=California (CAL)
3=Canada (CAN)
4=HDI
5=Japan (JPN)
6=Australia (AUS)
7=Brazil (BRZ)
8=Asia Pacific (APC)
9=India (IND)
0=ASEAN (AZN)
A=China (CHN)
6
Numerong pangtsek ng VIN
Maaaring 0-9 o X
7
Taon ng modelo
L=2020
8
Plantang pinaggawaan
B=York, PA U.S.A.
D=H-D Brazil-Manaus, Brazil (CKD)
N=Haryana India (Bawal District Rewari)
S=Tasit, Pluagdang, Rayong, Thailand
9
Numero ng pagkakasunud-sunod
Nag-iiba-iba
Talahanayan 2. Mga Code ng Modelo ng VIN: Mga Street Model
CODE
MODELO
CODE
MODELO
NA
Harley-Davidson Street® 500 (XG500)
NC
Street Rod (XG750A)
NB
Harley-Davidson Street® 750 (XG750)