24 na Buwan/Walang Limitasyon sa Milya
Ginagarantiyahan ng Harley-Davidson ang anumang bagong 2020 na motorsiklo ng Harley-Davidson na aayusin o papalitan ng isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson nang walang bayad ang anumang mga piyesang sa ilalim ng normal na paggamit ay matutuklasang depektibo sa mga materyales sa pabrika o pagkakagawa. Ang naturang pagkukumpuni o pagpapalit ng mga piyesang depektibo ay magiging tanging obligasyon ng Harley-Davidson at iyong tangi at eksklusibong remedyo sa ilalim ng limitadong garantiya na ito. Naaangkop lamang ang limitadong garantiya na ito sa tagal ng panahong tinukoy sa ibaba.
Walang sinuman, kabilang ang mga dealer ng Harley-Davidson, ang maaaring magbago, magpalawig o magpaubaya ng alinmang bahagi ng garantiyang ito.
Bilang isang kondisyon ng garantiyang ito, ikaw ay may pananagutan sa maayos na paggamit, pagpapanatili, at pag-aalaga ng iyong motorsiklo tuald ng nakabalangkas sa iyong Manwal ng May-ari. Inirerekomenda ng Harley-Davidson na magtago ka ng mga kopya ng lahat ng rekord sa pagpapanatili at mga resibo.
WALANG IBA PANG IPINAHAHAYAG NA GARANTIYA (MALIBAN SA HIWALAY NA MGA LIMITADONG GARANTIYA SA EMISYON, INGAY, AT RADYO) SA MOTORSIKLO. Ang anumang ipinahihiwatig na garantiya ng pagiging maibebenta o kaangkupan para sa partikular na layunin ay limitado sa tagal ng ipinahahayag na garantiya, o sa tagal na nakasaad sa mga batas sa garantiya ng iyong estado, alinman ang mas maikli. Ang anumang ipinahihiwatig na garantiya ay hindi ililipat sa mga kasunod na pagbili/bibili ng motorsiklo.
Ang ipinahihiwatig na garantiya ng kaangkupan para sa isang partikular na layunin ay hindi naaangkop kung ang iyong motorsiklo ay ginagamit para sa karera, kahit na ang motorsiklo ay ginawang pang karera.
Hindi pinahihintulutan ng ilang estado ang mga limitasyon sa kung gaano katagal na bago magwakas ang isang ipinahiwatig na garantiya, kaya maaaring hindi maging angkop sa iyo ang limitasyon sa itaas.
HANGGANG SA PINAKAGANAP NA SAKLAW NG BATAS, HINDI MANANAGOT ANG HARLEY-DAVIDSON O ANG MGA AWTORISADONG DEALER SA PAGKAWALA NG ORAS, ABALA, KAWALAN NG PAGGAMIT NG MOTORSIKLO, KAWALANG KOMERSYAL O ANUMANG IBA PANG MGA PINSALANG KAUGNAY O KINAHINATNAN.
Ang Harley-Davidson at ang iyong dealer ay hindi mananagot sa anumang oras o kita na mawawala sa iyo, anumang abala, pagkawala ng iyong transportasyon o paggamit ng iyong motorsiklo, gastos sa inarkilang motorsiklo, gasolina, biyahe, pagkain, o panuluyan, o sa anumang iba pang mga kaugnay o resultang pinsala na maaari mong matamo.
Ang mga pinsalang punitive, exemplary, o patung-patong ay hindi maaaring mabawi maliban kung ipinagbabawal ng naaangkop na batas ang kanilang pagtanggi. Hindi ka maaaring magdala ng anumang paghahabol na may kaugnayan sa garantiya bilang isang kinatawan ng kaso, isang pribadong pangkalahatang abugado, isang miyembro ng isang klase ng mga naghahabol o sa anumang iba pang kapasidad na pagiging kinatawan. Ang Harley-Davidson ay hindi mananagot para sa anumang pinsala na idinulot ng pagkaantala sa paghahatid o pagkakaloob ng anumang mga produkto at/o mga serbisyo.
Hindi pinahihintulutan ng ilang estado ang pagbubukod o limitasyon ng mga kaugnay o kinahinatnang pinsala, kaya maaaring hindi maging angkop sa iyo ang limitasyon o pagbubukod sa itaas.
Ang garantiyang ito ay nagbibigay sa iyo ng mga tukoy na legal na karapatan, at maaari ka ring magkaroon ng iba pang mga karapatan na naiiba sa bawat estado.
Ang mga sumusunod na tuntunin at kondisyon ay naaangkop sa limitadong garantiya na ito: