Tingnan ang Figure 1 para sa mga label sa kaligtasan at pagmementina na nasa sasakyan noong bago pa ito. Sumangguni sa Talahanayan 1.
TALA
Maaaring makabili ng mga pamalit na label para sa iyong motorsiklo. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson. Ang ilang label ay available sa iba’t ibang wika para sa mga destinasyon sa labas ng Estados Unidos.
Figure 1. Mga label
Talahanayan 1. Mga Etiketa
ITEM
NUMERO NG PIYESA
PAGLALARAWAN
TEXT
1
29147-07 (Harley-Davidson Street® 500 (XG500)/Harley-Davidson Street® 750 (XG750))
29108-08 (Street Rod (XG750A))
Pangkalahatang babala
BABALA: Naiiba ang mga motorsiklo sa iba pang mga sasakyan. Naiiba ang pagpapaandar, pagpapaliko, pagmamaneho at pagpepreno ng mga ito. Ang walang kasanayan at maling paggamit ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol, kamatayan o malubhang pinsala.
  • Kumuha ng kursong pagsasanay sa pagpapatakbo ng motorsiklo.
  • Basahin ang Manwal ng May-ari bago sumakay, magdagdag ng mga accessory o magpaserbisyo.
  • Magsuot ng helmet, proteksyon sa mata at pangproteksyon na kasuotan.
  • Huwag kailanman maghatak ng trailer.
Para makakuha ng manwal, hanapin ang pinakamalapit na dealer sa 1-414-343-4056 o www.harley-davidson.com
2
15368-01A
Babala sa baterya
BABALA: Ang nakakonektang baterya ay maaaring magdulot ng pagsiklab o pag-andar ng motorsiklo habang inaayos/kinukumpuni. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala.
  • Alisin ang negatibong kable bago ipaserbisyo.
  • Panatilihing nakalayo ang kable sa terminal habang inaayos/kinukumpuni.
3
14001175
Babala sa Baterya/Pag-aalis at Pagkakabit
BABALA: Ang mga pagsiklab ay maaaring magdulot ng pagsabog ng baterya. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala. Upang iwasan ang pagsiklab:
  • Alisin muna ang pagkakakonekta ng negatibong kable.
  • Panatilihing malayo ang kable sa lahat ng bakal na bahagi.
  • Huwag pahintulutang dumikit ang positibong kable ng baterya sa mga bakal na parte ng motorsiklo habang nakakonekta ang negatibong kable.