Tingnan ang Figure 1. Ang mga indicator na ilaw sa mukha ng speedometer ay bubukas upang ipahiwatig ang status ng kaugnay na function ng motorsiklo. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Figure 1. Mga Indicator na Ilaw
Talahanayan 1. Mga Indicator na Ilaw
ICON
PANGALAN
FUNCTION
Security system
  • Ang pagkislap kada tatlong segundo ay nagpapahiwatig na gumagana ang system ng seguridad.
  • Kapag hindi pinagagana, mananatiling nakabukas ang ilaw nang apat na segundo bago mamatay.
  • Kapag patuloy pa ding nakailaw, magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Neutral
Nakailaw kapag nasa nyutral ang kambyo.
Pagliko sa kaliwa
Kikislap kapang pinagana ang switch ng senyas ng pagliko para sa pagliko sa kaliwa. Pindutin ang gitnang button sa switch ng senyas ng pagliko upang ihinto.
Langis
presyon
Kapag nanatiling nakailaw ang indicator, ihinto ang makina at suriin ang sukat ng langis.
ABS
Kikislap hanggang 5 km/h (3 mph) at gagana na ang ABS.
Coolant
temperatura
Iilaw kapag lumampas sa ligtas na maximum ang temperatura.
High beam
Iilaw kapag nakabukas ang high beam. Upang lumipat sa low beam, pindutin ang switch ng low beam.
Pagliko sa kanan
Kikislap kapag pinagana ang senyas ng pagliko para sa pagliko sa kanan. Pindutin ang gitnang button sa switch ng senyas ng pagliko upang ihinto.
Suriin
ang makina
  • Iilaw sandali kapag ang switch ay nasa posisyong IGNITION o ACC.
  • Kung iilaw ang indicator sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa tulong sa pagsusuri.
Mababang gasolina
  • Iilaw kapag ang sukat ng gasolina ay nasa humigit-kumulang 3,1 L (0.8 USgal) o mas mababa. Kargahan ng inirerekomendang gasolina sa lalong madaling panahon.
  • Maaaring manatiling nakailaw hanggang 3 minuto matapos magpakarga ng gasolina.
  • Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson kung tuluy-tuloy na kumikislap ang ilaw.