BABALA
Bago paandarin ang makina, siguraduhing ang throttle control ay bumabalik sa idle position kapag binitawan. Ang throttle control na pumipigil sa makinang awtomatikong bumalik sa idle ay maaaring humantong sa pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00390a)
1. Tiyakin na nakanyutral ang motorsiklo.
2. Ilagay ang switch ng off/run ng makina sa posisyong run.
3. Ipihit ang switch ng ignisyon sa IGNITION. Huwag pihitin ang throttle.
TALA
Ang ilaw ng makina ay gagana ng humigit-kumulang 4 na segundo at ang pump ng gasolina ay tatakbo ng humigit-kumulang 2 segundo.
4. Idiin ang clutch lever sa handgrip.
5. Pindutin ang switch ng start (5).
TALA
Kapag hindi umandar ang makina, tiyaking nasa posisyong run ang switch ng off/run ng makina.
PAUNAWA
Dapat pahintulutang tumakbo ang engine nang dahan-dahan ng 30-60 segundo. Pahihintulutan nito ang makinang uminit at hayaang maabot ng langis ang lahat ng surface na nangangailangan ng lubrication. Ang hindi pagsunod dito ay maaaring magresulta sa pagkasira ng makina. (00181b)
6. Itaas ang jiffy stand bago umabante.