Mga Brake Pad
Ginamitan ng Harley-Davidson ang iyong bagong motorsiklo ng pinakamainam na friction material para sa brake pad. Pinili ito upang magbigay ng pinakamahusay na pagganap na maaari sa ilalim ng mga kondisyong tuyo, basa, at matinding temperatura ng paggana. Hinihigitan nito ang lahat ng hinihingi ng mga regulasyon na kasalukuyang ipinatutupad. Gayunpaman, sa panahon ng ilang kondisyon ng pagpepreno, maaari kang makaranas ng ingay. Normal ito para sa ganitong friction material.
BABALA
Palaging palitan ang kumpletong set ng mga brake pad para sa tama at ligtas na paggana ng preno. Ang maling paggana ng preno ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00111a)
  1. Suriin ang brake disc habang umiikot ito. Dapat gumana tulad ng inaasahan ang disc sa caliper ng preno.
  2. Tingnan ang Figure 1. Sukatin ang kapal ng friction material ng brake pad.
  3. TALA
    Hindi kinakailangang pantay na mapudpod ang mga pad. Ang mga groove/uka sa brake pad ay hindi na makikita kapag malapit nang maging gastado ito.
  4. Sumangguni sa Talahanayan 1. Kung ang friction material ng brake pad ay nasa pinakamababang kapal na kailangan o mas mababa pa, palitan ang mga pad. Palaging palitan ang mga brake pad nang magkapares. Tumungo sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Talahanayan 1. Mga Ispesipikasyon ng Preno
MINIMUM NA KAPAL
mm
in
Mga brake pad
0.5
0.020
Brake disc sa harap
5.4
0.213
Brake disc sa likod
5.4
0.213
1Kapal ng brake pad
2Backplate
3Kapal ng brake disc
Figure 1. Kapal ng Preno
Brake Disc
  1. Sumangguni sa Talahanayan 1. Suriin ang kapal ng brake disc at ihambing sa numerong nakasaad sa talahanayan.
  2. Palitan kung kinakailangan. Tumungo sa isang dealer ng Harley-Davidson.