PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Oil Level Cold Check (Pagsusuri ng Langis ng Makina kapag Malamig ang Makina)
  1. Tingnan ang Figure 1. Alisin ang dipstick (1) at linisin.
  2. Ipasok ang dipstick at higpitan.
  3. Alisin ang dipstick. Tiyakin na may langis ang dipstick.
  4. Kung walang nakikitang langis, magdagdag ng sapat na langis upang umabot ang sukat sa ibabang bahagi ng dipstick. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Lubrikasyon ng Makina.
Oil Level Hot Check (Pagsusuri ng Langis ng Makina kapag Mainit ang Makina)
PAUNAWA
Huwag pahintulutan ang antas ng mainit na langis na bumaba sa markang Add/Fill sa dipstick. Maaari itong magresulta sa pagkasira ng kagamitan at/o hindi paggana ng kagamitan. (00189a)
PAUNAWA
Huwag punuin nang sobra-sobra ang langis. Maaari itong magresulta sa paglipat ng langis sa air cleaner na hahantong sa pagkasira ng kagamitan at/o hindi paggana ng kagamitan. (00190b)
  1. Patakbuhin ang motorsiklo hanggang sa ang makina ay nasa normal na temperatura ng paggana.
  2. Itayo ang sasakyan.
  3. Tingnan ang Figure 1. Alisin ang dipstick (1) at linisin.
  4. Ipasok ang dipstick at higpitan.
  5. Alisin ang dipstick. Tiyakin na ang antas ng langis ay hindi lalampas sa “X” na marka sa dipstick.
  6. Kung ang sukat ng langis ay mas mababa sa “X,” magdagdag lang ng sapat na langis upang umabot ang sukat sa “X.” Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Lubrikasyon ng Makina.
1Dipstick
2Puno
3Magdagdag
Figure 1. Sukat ng Langis ng Makina