Ang paggamit ng mga piyesa at mga pamamaraan ng serbisyo maliban sa mga inaprubahang piyesa at pamamaraan ng serbisyo ng Harley-Davidson ay maaaring magpawalang-bisa sa limitadong garantiya. Ang anumang mga pagbabago sa mga bahagi ng sistema ng emisyon, tulad ng intake at exhaust system, ay maaaring labag sa mga batas pangsasakyan.
Maaaring i-atas ng ilang bansa, tulad ng Brazil, na ang lahat ng regular na pagpapanatili ay isagawa ng awtorisadong dealer ng Harley-Davidson upang manatiling may bisa ang iyong limitadong garantiya. Sumangguni sa iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson.
Maaaring i-atas sa ibang bansa, tulad ng Brazil, ang pagsasagawa mg karagadagang taunang (o 2 beses kada taon) hakbang sa regular na maintenance para mapanatiling may bisa ang iyong limitadong garantiya at/o tumalima sa mga regulasyong pangsasakyan. Sumangguni sa iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson gayundin sa mga regulasyong pangmotorsiklo sa iyong bansa.
Matapos makumpleto ang huling agwat ng pagpapaserbisyo, ulitin ang iskedyul ng serbisyo simula sa agwat na 8000 km (5000 mi).
Sa tuwing ang sasakyan ay ipinapasok para sa pagmementina, palaging tingnan kung mayroon at kumpletuhin ang mga recall at bukas na mga programa ng produkto.
Sa tuwing ang sasakyan ay ipinapasok para sa pagmementina, palaging siguraduhing naka-install ang pinakabagong calibration.