Pangkalahatan
PAUNAWA
Gumamit lamang ng Genuine Harley-Davidson Extended Life Antifreeze at Coolant. Ang paggamit ng iba pang mga coolant/mixture ay maaaring humantong sa pagkasira ng motorsiklo. (00179c)
Pre-diluted ang GENUINE HARLEY-DAVIDSON EXTENDED LIFE ANTIFREEZE AND COOLANT at maaari nang gamitin sa buong lakas nito. Nagbibigay ito ng proteksyon sa temperatura na hanggang -34° F-36.7° C. HUWAG dagdagan ng tubig.
PAUNAWA
Dapat gumamit ng de-ionized na tubig sa antifreeze sa cooling system. Ang tubig na maraming mineral ay maaaring magdulot ng kaliskis na akumulasyon sa mga daanan ng tubig na nagpapahina sa kahusayan ng cooling system, na humahantong sa pag-ooverheat at pagkasira ng motorsiklo. (00195b)
Kung walang GENUINE HARLEY-DAVIDSON EXTENDED LIFE ANTIFREEZE AND COOLANT, maaaring gumamit ng pinaghalong de-ionized na tubig at ethylene glycol-based na antifreeze. Sa unang pagkakataon, bumalik uli sa paggamit ng GENUINE HARLEY-DAVIDSON EXTENDED LIFE ANTIFREEZE AND COOLANT.
Pagsusuri ng Lebel ng Coolant
  1. Iposisyon ang motorsiklo nang nakatayo nang tuwid. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Paghahanda ng Motorsiklo para sa Pagpapanatili.
  2. Hayaang lumamig ang makina.
  3. Alisin ang takip sa kaliwang bahagi. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Mga Takip sa Gilid.
  4. Tingnan ang Figure 1. Tiyaking ang sukat ng coolant ay nasa o bahagyang mas mataas sa “COLD FILL” na linya (2).
  5. TALA
    Kung walang laman ang bote ng coolant kapag malamig ang makina, siyasatin ang system para sa mga tagas. Ipaayos/ipakumpuni kung kinakailangan. Punuin ang system ng coolant at alisin ang anumang nakulong na hangin.
  6. Kung ang sukat ay mas mababa sa “COLD FILL” na linya sa tangke, tanggalin ang takip ng overflow tank (tangke ng pag-apaw) (1).
  7. Magdagdag ng GENUINE HARLEY-DAVIDSON EXTENDED LIFE ANTIFREEZE AND COOLANT hanggang umabot ang sukat ng fluid, o bahagyang mas mataas na, sa “COLD FILL” na linya.
  8. Ikabit ang takip ng overflow tank (tangke ng pag-apaw).
1Takip ng overflow na tangke
2Sukat ng cold fill
Figure 1. Overflow na Tangke ng Coolant