TALA
Ang ibang indicator lamp ay maaaring wala sa ibang modelo.
Check Engine Lamp (Ilaw na Nagpapahiwatig na Suriin ang Makina)
Kadalasang umiilaw ang check engine lamp kapag unang pinaandar ang motorsiklo. Sa panahong ito, magsasagawa ang engine management system ng serye ng self-diagnostics.
Kapag hindi namatay ang ilaw pagkatapos paandarin ang makina o kapag umilaw ito sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Low Fuel Lamp (Ilaw ng Mababang Lebel ng Gasolina)
Kumikislap: Kapag patuloy na kumikislap ang ilaw ng kaunting gasolina, o kapag nanatili itong nakabukas pagkatapos kargahan ang tangke ng gasolina, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Battery Discharge Lamp (Ilaw ng Pagkadiskarga ng Baterya)
Ilaw ng pahiwatig ng seguridad/depekto
Kumikislap: Aktibo ang system ng seguridad.
Solid (aktibo ang system ng seguridad): Naka-activate ang alarm.
Solid (naka-disarm ang system ng seguridad): Kapag nanatiling naka-on ang ilaw, ipinahihiwatig nito ang isang depekto, tumungo sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Indicator na Ilaw para sa Senyas ng Pagliko
Kumikislap: May pinagaganang senyas ng pagliko. Kapag gumagana ang mga 4-way hazard flasher, sabay na kikislap ang mga indicator ng pagliko.
Mabilis na pagkislap: May bumbilya ng senyas na hindi gumagana. Mag-ingat at sumenyas gamit ang mga kamay. Palitan ang mga bahaging hindi gumagana sa lalong madaling panahon.
High Beam na Ilaw ng Headlamp
Cruise Control Lamp
Naka-Off: Hindi naka-enable ang cruise control.
Kulay Kahel: Gumagana ang cruise control. Hindi naka-set ang bilis ng pag-cruise o kaya naka-disengage.
Berde: Naka-set ang bilis ng pag-cruise.
Auxiliary/Fog Lamp Indicator Lamp: FLHTCUTG DOMESTIC
Nakabukas ang indicator ng auxiliary/fog lamp kapag binuksan ang mga auxiliary/fog lamp.
Gear Indicator: FLHTCUTG
Tingnan ang
Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Ilaw na Indicator: FLHTCUTG. Sa ibang kargadong modelo, ipinakikita sa window ng odometer ang kasalukuyang napiling gear (1-6). Ang gear indicator ay kinakalkula mula sa bilis ng sasakyan at bilis ng makina. Ang gear indicator ay mananatiling blangko kapag nakanyutral ang transmisyon, nakapasok ang clutch lever o hindi gumagalaw ang sasakyan.
Maaaring pansamantalang hindi maging tumpak ang gear indicator depende sa paggamit sa clutch ng rider at sa pagkapudpod nito. Maaaring mangyari ito kapag nahahayaang dumulas ang clutch dahil sa labis na pagkaluma/pagkapudpod, maling pag-adjust ng clutch o kapag nakababad ang operator sa clutch.
ABS Lamp
BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa 5 km/h (3 mph) o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS. Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
Solid o Hindi Kumikislap: Ang patuloy na pag-ilaw ng lamp ay nagpapahiwatig ng sirang ABS. Hindi gumagana ang ABS at gumagana ang mga preno bilang mga prenong hindi ABS. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Reverse Lamp (Ilaw ng Pag-atras)
Engine Coolant Temperature Lamp (Ilaw ng Temperatura ng Coolant ng Makina): FLHTCUTG
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang engine coolant temperature indicator light, palaging suriin ang antas ng coolant. Kung ang engine coolant ay normal at nakailaw pa rin ang lampara, ihinto kaagad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00158a)
BABALA
Huwag luwagan o alisin ang pressure cap kapag mainit pa ang cooling system. Ang cooling system ay may presyon at maaaring sumingaw ang mainit na coolant at singaw sa pressure cap, na maaaring maging sanhi ng malubhang pagkapaso. Hayaang lumamig muna ang motorsiklo bago ayusin ang cooling system. (00091c)
Sa mga sasakyan na Twin-Cooled, umiilaw ang engine coolant temperature lamp kapag lumampas sa hangganang temperatura ang coolant.
Kapag wasto ang antas ng coolant at patuloy pa ring nakailaw ang lamp, kaagad na patayin ang makina at tumungo sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Oil Pressure Lamp (Ilaw ng Presyon ng Langis)
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Kapag nakabukas ang ilaw habang tumatakbo ang makina, hindi sapat ang umiikot na langis sa makina.
Kapag hindi sapat ang antas ng langis sa makina at patuloy na naka-ilaw ang lamp, kaagad na patayin ang makina at tumungo sa dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Traction Control Lamp
Solid o Hindi Kumikislap: In-off o pinatay ang traction control.
Kumikislap: Nagaganap ang aktibong interbensyon ng traction control system.
Nakapatay: Naka-on ang traction control system.
Solid at naka-on ang ilaw ng pahiwatig ng seguridad/depekto: Ang patuloy na pag-iilaw ng lamp kasabay ng ilaw ng pahiwatig ng seguridad/depekto ay nagpapahiwatig ng hindi paggana ng traction control. Hindi gumagana ang traction control at gumagana ang motorsiklo bilang naka-off ang traction control. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.