PAUNAWA
Protektahan ang iyong sasakyan laban sa pagnanakaw. Ang hindi pagla-lock ng motorsiklo matapos itong iparada ay maaaring magresulta sa pagnanakaw at/o pinsala sa kagamitan. (00151b)
Ang agad ng paggamit sa fork lock pagkatapos iparada ang iyong motorsiklo ay pipigil sa di-awtorisadong paggamit at pagnanakaw.
FLHR, FLHRC, FLHRXS: Tingnan ang Figure 1. Ang fork lock ay nasa itaas ng steering head, sa likod ng headlamp nacelle at nakapasok sa handlebar clamp shourd.
Iba pang mga modelo: Tingnan ang Pagpapatakbo → Switch ng Ignisyon → Switch ng Ignisyon. Ang fork lock ay ikinakabit sa switch ng ignisyon.
TALA
Huwag puwersahin ang switch sa posisyong naka-lock kung hindi ay maaaring masira ang switch.
BABALA
Huwag paandarin ang sasakyan habang naka-lock ang mga fork. Ang pag-lock ng mga fork ay pumipigil sa kakayahan ng sasakyang lumiko, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00035a)
Upang I-lock ang Fork: FLHR, FLHRC, FLHRXS
  1. Ipihit ang fork papunta sa ganap na pakaliwang posisyon.
  2. Tingnan ang Figure 1. Ipasok ang susi at ipihit ang susi pakaliwa sa posisyong LOCK. Alisin ang susi.
  3. Upang i-unlock ang fork, ipasok ang susi at ipihit pakanan sa posisyong UNLOCK. Alisin ang susi.
  4. Subukan kung tama ang paggana ng steering sa pamamagitan ng pagpihit sa handlebars sa buong ikot na kaya nito. Dapat ay suwabe ang pagpihit ng manibela nang hindi napipigilan.
Upang I-lock ang Fork: Iba Pang Mga Modelo
  1. Ipihit ang fork papunta sa ganap na pakaliwang posisyon.
  2. Tingnan ang Pagpapatakbo → Switch ng Ignisyon → Switch ng Ignisyon. Ipihit ang knob ng switch sa FORK LOCK. Diinan ang knob.
  3. Ipasok ang susi at ipihit ang susi sa posisyong LOCK. Alisin ang susi.
  4. Upang i-unlock ang fork, ipasok ang susi at ipihit sa posisyong UNLOCK. Alisin ang susi. Ikutin ang knob ng switch nang pasalungat sa posisyong FORK LOCK.
  5. Subukan kung tama ang paggana ng steering sa pamamagitan ng pagpihit sa handlebars sa buong ikot na kaya nito. Dapat ay suwabe ang pagpihit ng manibela nang hindi napipigilan.
1Unlock
2Lock
Figure 1. Fork Lock: Mga Modelong Road King