TALA
Ang mga modelong may LED lamp ay walang mga pamalit na bumbilya. Palitan ang LED assembly.
1. Tingnan ang Figure 1. Magpasok ng barya o blade ng maliit na screwdriver sa notch sa ibaba ng takip ng lens. Maingat na pihitin hanggang lumuwa ang takip ng lens sa housing ng ilaw.
2. Itulak paloob ang bumbilya at paikutin nang pakaliwa. Hatakin ang bumbilya mula sa socket.
3. Suriin ang kondisyon ng mga electrical contact sa socket. Kung kinakailangan, linisin gamit ang maliit na wire brush at panlinis ng electrical contact.
4. Lagyan ng ELECTRICAL CONTACT LUBRICANT ang mga contact sa socket at ang ilalim ng bagong bumbilya.
5. Pagpantayin ang mga pin sa bagong bumbilya sa mga pin guide sa socket ng bumbilya. Itulak paloob ang bumbilya at pihitin pakanan upang hindi na gumalaw.
6. I-snap ang takip ng lens sa housing ng ilaw sa notch sa ilalim.
BABALA
Siguraduhing maayos na gumaga ang lahat ng ilaw at switch bago ang paandarin ang motorsiklo. Ang hindi gaanong nakikitang rider ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00316a)
7. Tingnan kung gumagana ang lahat ng ilaw.
Figure 1. Lens Cap Notch