Ang mga pahayag sa manwal na ito na pinangungunahan ng mga sumusunod na salita ay may espesyal na kabuluhan:
BABALA
Ang WARNING ay nagpapahiwatig ng potensyal na mapanganib na sitwasyon kung saan, kapag hindi iniwasan, ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00119a)
MAG-INGAT
Ang CAUTION ay nagpapahiwatig ng potensyal na mapanganib na sitwasyon kung saan, kapag hindi iniwasan, ay maaaring magresulta sa maliit o katamtamang pinsala. (00139a)
PAUNAWA
Ang NOTICE ay nagpapahiwatig ng potensyal na mapanganib na sitwasyon kung saan, kapag hindi iniwasan, ay maaaring magresulta sa pinsala sa ari-arian. (00140b)
TALA
Ang PAALALA ay tumutukoy sa mahalagang impormasyon at naka-italic. Inirerekomendang bigyan mo ng espesyal na pansin ang mga item na ito.
ANG MGA MOTORSIKLONG HARLEY-DAVIDSON AY PARA LAMANG SA PAGGAMIT SA KALSADA
Walang nakalagay na spark arrester ang motorsiklong ito at idinesenyo para lamang gamitin sa kalsada. Maaaring ilegal sa ibang lugar ang pagpapatakbo o off-road na paggamit. Sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon. Ang manwal na ito ay dapat ituring na permanenteng bahagi ng motorsiklo at dapat panatilihing kasama ng motorsiklo kapag ibinenta ito.
BISITAHIN ANG WEB SITE NG HARLEY-DAVIDSON
http://www.harley-davidson.com