1. | Tingnan ang Figure 1. Magpasok ng barya o blade ng maliit na screwdriver sa notch sa ibaba ng takip ng lens. Maingat na pihitin hanggang lumuwa ang takip ng lens sa housing ng ilaw. | |
2. | Itulak paloob ang bumbilya at paikutin nang pakaliwa. Hatakin ang bumbilya mula sa socket. | |
3. | Suriin ang kondisyon ng mga electrical contact sa socket. Kung kinakailangan, linisin gamit ang maliit na wire brush at panlinis ng electrical contact. | |
4. | Lagyan ng ELECTRICAL CONTACT LUBRICANT ang mga contact sa socket at ang ilalim ng bagong bumbilya. | |
5. | Pagpantayin ang mga pin sa bagong bumbilya sa mga pin guide sa socket ng bumbilya. Itulak paloob ang bumbilya at pihitin pakanan upang hindi na gumalaw. | |
6. | I-snap ang takip ng lens sa housing ng ilaw sa notch sa ilalim. | |
BABALA Siguraduhing maayos na gumaga ang lahat ng ilaw at switch bago ang paandarin ang motorsiklo. Ang hindi gaanong nakikitang rider ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00316a) | ||
7. | Tingnan kung gumagana ang lahat ng ilaw. |