Tingnan ang Figure 1 . Ang mga modelo na may fairing ay mayroon media compartment enclosure na nasa dash na ginagamit upang lagyan ng maliliit na bagay.
TALA
Ang USB port ay hindi nakakonekta sa oras na ito.
Buksan: Tingnan ang Figure 1. Itulak ang ibabang bahagi ng pinto at bitawan.
Isara: Itulak nang madiin ang pinto hanggang sa kumabit ang latch.
Pag-reset ng latch ng pinto: Kung ang pinto ng compartment ay sapilitang binuksan o hindi maayos na kumakapit, maaaring kailanganing i-reset ang latch ng pinto:
  1. Itulak upang maisara ang pinto.
  2. Buksan ang pinto.
  3. Isara ulit ang pinto upang kumabit ang mekanismo ng latch/aldaba.
Panatilihing nakasara ang pinto habang nakasakay upang iwasang mahulog ang mga bagay. Alisin ang mahahalagang bagay sa compartment ng media bago iwanang walang bantay ang sasakyan.
Maaaring alisin ang cradle upang linisin ang loob ng compartment ng media. I-install ang cradle bago sumakay upang hindi gumalaw ang mga media device sa compartment at upang maiwasan ang panginginig.
Figure 1. Media Compartment Door Recess (Recess/Nakabaong Bahagi ng Pintuan ng Compartment ng Media)