Kapag ibibiyahe ang motorsiklo, ilagay ang system sa mode ng transport. Kung hindi, maaaring madiskarga ang baterya dahil sa alarm na naa-activate kapag may na-detect na galaw.
Sa mode ng transport, aktibo ang system ng seguridad nang hindi pinapagana ang pang-detect ng galaw para sa isang cycle ng ignisyon. Pinahihintulutan nito na kunin at ilipat ang sasakyan nang aktibo ang seguridad. Gayunpaman, tutunog ang alarm sa anumang pagtatangkang paandarin ang makina kapag wala sa saklaw ang fob.
Upang Pumasok sa Mode ng Transport
  1. Habang nasa saklaw ang nakatakdang fob, ipihit ang switch ng ignisyon sa IGNITION.
  2. Bago mamatay ang ilaw ng seguridad, ipihit ang switch ng ignisyon sa OFF.
  3. Sa loob ng tatlong segundo, sabay na pindutin ang switch ng senyas ng pagliko sa kaliwa at kanan.
  4. Pagkatapos kumislap ng isang beses ang mga senyas ng pagliko, papasok ang system sa mode ng transport. Habang nakaalis ang fob, pwedeng ilipat ang motorsiklo nang hindi tumutunog ang alarm.
TALA
Mga modelong may fairing: Kapag gumagana ang mode ng transport, ipapakita ng odometer window ang mensaheng TSPORT MODE ACTIVE.
Upang Lumabas sa Mode ng Transport
Habang nasa malapit ang fob, ipihit ang switch ng ignisyon sa IGNITION upang ihinto ang system.