BABALA
Huwag lumampas sa kapasidad ng bigat ng saddlebag. Maglagay ng pantay na timbang sa bawat bag. Ang labis na bigat sa mga saddlebag ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00383a)
BABALA
Huwag patakbuhin ang motorsiklo na walang mga saddlebag na nakakabit dahil ang mga ito ay may mga reflector sa gilid at/o sa likuran. Ang pagpapatakbo ng motorsiklo na walang mga reflector ay maaaring makalabag sa mga lokal na regulasyon at humantong sa mababang pagkakita ng motorsiklo sa ibang mga motorista, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (12904a)
TALA
Ang pinakamabigat na timbang na kaya ng saddlebag ay 9,1 kg (20 lb) sa bawat saddlebag.
Pagbukas
  1. Tingnan ang Figure 1 . I-unlock ang lock ng saddlebag gamit ang susi.
  2. I-angat ang saddlebag lever.
  3. I-angat ang takip mula sa loob na bahagi ng saddlebag.
Pagsasara
  1. Tingnan ang Figure 1 . Isara ang takip ng saddlebag.
  2. Itulak ang lever pababa upang kumabit ang mga aldaba. Tiyaking nakasarang mabuti ang takip.
  3. I-lock ang saddlebag.
Pag-aalis
  1. Tingnan ang Figure 1 . Buksan ang saddlebag.
  2. Tingnan ang Figure 2 . Ipihit ang mga screw lever na pang-mount nang pa-counterclockwise upang alisin ang mga pang-mount na turnilyo sa support bracket.
  3. I-angat ang saddlebag mula sa saddlebag rail.
TALA
  • Huwag kaladkarin o ikiskis ang mga saddlebag sa lupa.
  • Ang mga saddlebag na may pakurbadang ilalim ay hindi tatayo kapag ibinaba sa lupa. Ilagay ang mga saddlebag sa patag na surface upang iwasan ang pagtaob.
Pagkakabit
  1. Tingnan ang Figure 2 . Maingat na iposisyon ang saddlebag sa barandal ng saddlebag. Ihanay ang mga pang-mount na grommet sa support bracket.
  2. TALA
    Ang screw lever na pang-mount sa likod ay haharang sa takip ng saddlebag maliban kung ipupuwesto habang nakaturo sa baba ang lever.
  3. Ikabit ang mga pang-mount na turnilyo at padaanin sa grommet sa support bracket. Habang iniikot nang pa-clockwise ang lever, higpitan ang mga pang-mount na turnilyo nang sa gayon ay nakaturo pababa ang mga lever sa pagitan ng mga posisyong alas tres at alas nuwebe gaya ng ipinapakita.
  4. Tiyaking nakakabit nang maayos ang saddlebag sa motorsiklo.
  5. Isara at i-lock ang saddlebag.
1Lock ng saddlebag
2Posisyong Naka-unlock (papunta sa likod ng sasakyan)
3Posisyong Naka-lock (papunta sa harap ng sasakyan)
4Lever
Figure 1. Saddlebag
1Turnilyo na pang-mount na may kasamang lever
2Saddlebag rail (Barandal ng saddlebag)
3Support bracket
Figure 2. Pagtatanggal/Pagkakabit ng Saddlebag