PAUNAWA
Protektahan ang iyong sasakyan laban sa pagnanakaw. Ang hindi pagla-lock ng motorsiklo matapos itong iparada ay maaaring magresulta sa pagnanakaw at/o pinsala sa kagamitan. (00151b)
TALA
Huwag ipilit ang switch sa posisyong locked dahil maaring masira ang switch.
Ang agad na paggamit ng fork lock (lock ng tinidor) pagkatapos iparada ang iyong motorsiklo ay pipigil sa di-awtorisadong paggamit o pagnanakaw.
BABALA
Huwag paandarin ang sasakyan habang naka-lock ang mga fork. Ang pag-lock ng mga fork ay pumipigil sa kakayahan ng sasakyang lumiko, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00035a)
Mga FLHP na Modelo
Tingnan ang Figure 1. Ang FLHP ay may fork lock sa tuktok ng steering head, sa likod ng headlamp nacelle at naka-inset sa clamp shroud ng handlebar.
  1. Pihitin ang fork sa ganap na kaliwang posisyon.
  2. Ipasok ang susi sa fork lock at pihitin nang pakaliwa upang i-lock.
  3. Alisin ang susi.
  4. Upang i-unlock ang fork, ipasok ang susi at pihitin nang pakanan papunta sa posisyong UNLOCK. Alisin ang susi.
  5. Suriin kung gumagana nang maayos ang steering sa pamamagitan ng pagpihit sa mga handlebar hanggang sa ganap na kakayanan nito. Dapat napipihit nang suwabe ang manibela nang hindi kumakapit.
Mga FLHTP na Modelo
Tingnan ang Figure 2. Ang fork lock ay naka-integrate sa switch ng ignisyon sa mga FLHTP na modelo. Para sa detalye ng fork lock, sumangguni sa Pagpapatakbo → Switch ng Ignisyon → Mga Posisyon ng Switch ng Ignisyon.
  1. Pihitin ang fork sa ganap na kaliwang posisyon.
  2. Ipasok ang susi at pihitin ang knob ng switch upang i-lock. Itulak ang knob pababa.
  3. Pihitin ang susi upang i-lock.
  4. Alisin ang susi.
  5. Upang i-unlock ang fork, ipasok ang susi at pihitin papunta sa posisyong UNLOCK. Alisin ang susi. Paikutin ang switch knob palabas ng posisyong FORK LOCK.
  6. Suriin kung gumagana nang maayos ang steering sa pamamagitan ng pagpihit sa mga handlebar hanggang sa ganap na kakayanan nito. Dapat napipihit nang suwabe ang manibela nang hindi kumakapit.
1Fork lock
2Input jack ng mikropono
Figure 1. Fork Lock: FLHP
Figure 2. Fork Lock: FLHTP