TALA
Ang ibang indicator lamp ay maaaring wala sa ibang modelo.
Check Engine Lamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Ipinahihiwatig ng check engine lamp ang kondisyon ng makina/engine management system.
Kadalasang umiilaw ang check engine lamp kapag unang pinaandar ang motorsiklo. Sa panahong ito, magsasagawa ang engine management system ng serye ng self-diagnostics.
Kapag hindi namatay ang ilaw ng makina pagkatapos paandarin ang makina o kapag umilaw ito sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Low Fuel Lamp (Ilaw ng Mababang Lebel ng Gasolina)
Solid: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Ipinahihiwatig ng babalang ilaw ng kaunting gasolina na umabot na sa mababang antas ng gasolina ang gasolina sa tangke (pagtatantiya). Sumangguni sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Kapasidad para sa mababang lebel ng gasolina. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometerpara sa mga feature ng saklaw ng gasolina.
Kumikislap: Kapag patuloy na kumikislap ang ilaw ng kaunting gasolina, o kapag nanatili itong nakabukas pagkatapos kargahan ang tangke ng gasolina, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Battery Discharge Lamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Ipinahihiwatig ng ilaw ng pagkakadiskarga ng baterya ang labis na pag-charge o kulang sa pag-charge ng baterya. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagpapanatili ng Baterya.
Security Lamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Ipinakikita ng ilaw ng seguridad ang status ng system ng seguridad at ang elektrikal na self-diagnostics para sa motorsiklo. Tingnan ang SISTEMA NG SEGURIDAD → System ng Seguridadpara sa pagpapagana ng system ng seguridad.
Kumikislap: Aktibo ang system ng seguridad.
Solid (aktibo ang system ng seguridad): Naka-activate ang alarm.
Solid (di-aktibo ang system ng seguridad): Kapag nanatiling nakabukas ang ilaw, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Indicator ng Senyas ng Pagliko
Kumikislap: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Naka-activate ang senyas ng pagliko. Kapag gumagana ang mga 4-way hazard flasher, sabay na kikislap ang mga indicator ng pagliko.
Mabilis na pagkislap: May bumbilya ng senyas na hindi gumagana. Mag-ingat at sumenyas gamit ang mga kamay. Palitan ang mga bahaging hindi gumagana sa lalong madaling panahon.
Ilaw ng High Beam ng Headlamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Ang headlamp high beam indicator lamp ay naka-ilaw kapag naka-activate ang switch ng high beam.
Kikislap ang headlamp high beam indicator lamp kapag naka-enable at naka-activate ang stealth mode.
Neutral Lamp
Cruise Control Lamp
Kulay kahel: Naka-enable ang cruise control. Hindi naka-set ang bilis ng pag-cruise o kaya naka-disengage.
Berde: Naka-set ang bilis ng pag-cruise. Ang bilis ng motorsiklo ay napapanatili ng cruise control.
Gear Indicator
FLHTP: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Sa ibang kargadong modelo, ipinakikita sa window ng odometer ang kasalukuyang napiling gear (1-6). Ang gear indicator ay kinakalkula mula sa bilis ng sasakyan at bilis ng makina. Ang gear indicator ay mananatiling blangko kapag naka-nyutral ang transmisyon, nakapasok ang clutch lever o hindi gumagalaw ang sasakyan.
Maaaring pansamantalang hindi maging tumpak ang gear indicator depende sa paggamit sa clutch ng rider at sa pagkapudpod nito. Maaaring mangyari ito kapag nahahayaang dumulas ang clutch dahil sa labis na pagkaluma/pagkapudpod, maling pag-adjust ng clutch o kapag nakababad ang operator sa clutch.
ABS Lamp
BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa 5 km/h (3 mph) o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS. Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
Kumikislap: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Sa mga sasakyang may ABS, magsisimulang kumislap ang ilaw ng ABS kapag pinaandar ang sasakyan. Ipinahihiwatig ng kumikislap na ilaw na nasa mode ng self-diagnosis ang system. Patuloy itong kikislap hanggang sa lumampas ang bilis ng motorsiklo sa 5 km/h (3 mph). Hindi gumagana ang ABS hangga’t hindi namamatay ang lamp.
Solid o Hindi Kumikislap: Ang patuloy na pag-ilaw ng lamp ay nagpapahiwatig ng sirang ABS. Di-gumagana ang ABS at gumagana ang mga preno bilang mga prenong hindi ABS. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Oil Pressure Lamp (Ilaw ng Presyon ng Langis)
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Umiilaw ang oil pressure lamp kapag binuksan ang ignition. Mananatiling naka-ilaw ang lamp hangga’t hindi pinaaandar ang makina.
Kapag nakabukas ang ilaw habang tumatakbo ang makina, hindi sapat ang umiikot na langis sa makina.
Suriin at magdagdag ng langis sa makina kung kinakailangan. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Suriin ang Langis ng Makina. Para sa iba pang mga posibleng sanhi, tingnan ang Pag-aayos ng Problema → Makina.
Kapag hindi sapat ang antas ng langis sa makina at patuloy na naka-ilaw ang lamp, kaagad na patayin ang makina at tumungo sa dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Emergency Lamps Indicator
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHP at Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator: FLHTP. Ang pag-ilaw ng mga emergency lamp ay nagpapahiwatig na nakabukas ang circuit ng mga emergency lamp.
Berde: Naka-activate ang mga emergency lamp sa harap.
Kahel: Naka-activate ang mga emergency lamp sa likod.
Nagsasalitang Berde/Kahel: Naka-activate ang parehong emergency lamp sa harap at likod.