1. Tingnan ang Figure 1. Tanggalin ang dalawang turnilyo (1) para matanggal ang lens (2) mula sa housing ng ilaw (4).
2. Habang itinutulak papasok ang bumbilya (3), ipihit nang pa-counterclockwise para matanggal.
3. Siyasatin ang kondisyon ng mga electrical contact sa socket. Kung kinakailangan, linisin gamit ang maliit na wire brush at panlinis ng electrical contact.
4. Lagyan ng ELECTRICAL CONTACT LUBRICANT ang mga contact sa socket at ang ilalim ng bagong bumbilya.
5. Pagpantayin ang mga pin sa bagong bumbilya sa mga guide sa socket ng bumbilya. Itulak at iikot ang bagong bumbilya nang pa-clockwise papasok sa socket.
6. Ikabit nang mabuti ang lens (2) sa housing ng ilaw (4) gamit ang dalawang turnilyo (1).
BABALA
Siguraduhing maayos na gumaga ang lahat ng ilaw at switch bago ang paandarin ang motorsiklo. Ang hindi gaanong nakikitang rider ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00316a)
7. Tingnan kung gumagana ang lahat ng ilaw.
1Mga Turnilyo (2)
2Lens
3Bumbilya
4Housing ng Ilaw
Figure 1. Assembly ng Ilaw ng Senyas ng Pagliko: Flat Lens Style