May natatanggal na windshield ang mga modelong FLHP.
TALA
Nangangailangan ng espesyal na pangangalaga ang mga windshield. Huwag gumamit ng mga panlinis ng bintana sa gasolinahan o mga may ammonia. Maaaring masira ng mga panlinis na ito ang windshield. Para sa tamang pagpapanatili ng windshield, tingnan ang Pagkaraang Sumakay → Pangangalaga ng Windshield.
Pagtatanggal
Tingnan ang Figure 1. I-angat ang mga wire form latch spring sa parehong gilid ng bracket ng windshield.
Itulak paharap ang ibabaw ng windshield upang alisin ito sa mga pang-itaas na grommet.
I-angat ang windshield upang alisin sa mga pang-ibabang grommet.
Pagkakabit
Tingnan ang Figure 1. Ipuwesto nang maayos ang ibabang bahagi ng bracket ng windshield upang ikabit ang mga pang-ibabang grommet.
I-angat ang mga wire form latch spring sa parehong gilid ng bracket ng windshield.
Itulak ang ibabaw ng windshield papunta sa likuran upang ikabit ang mga pang-itaas na grommet.
Bitawan ang mga wire form latch spring. Tiyaking nakapuwesto ang apat na bracket sa mga grommet at mahigpit na nakakabit ang windshield sa motorsiklo.