1. Patakbuhin ang motorsiklo hanggang maabot ng makina ang normal na temperatura ng pagpapatakbo. Patayin ang makina.
BABALA
Siguraduhinng walang lubricant o fluid na mapupunta sa mga gulong, goma ng gulong o preno kapag nagpapalit ng fluid. Maaaring lubhang maapektuhan ang traksyon, na maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol sa motorsiklo at kamatayan o malubhang pinsala. (00047d)
2. Tiyaking nakapatayo ang motorsiklo (hindi nakakiling sa jiffy stand) at nasa patag na daan.
3. Tingnan ang Figure 1 . Sairin ang pangunahing chaincase.
4. Linisin ang magnet ng drain plug. Kapag napakaraming dumi ng plug, siyasatin ang lagay ng mga bahagi ng chaincase.
5. Ikabit ang drain plug at ang bagong O-ring. Higpitan.
Torque: 19–28,5 N·m (14–21 ft-lbs) Drain plug ng pangunahing chaincase
Figure 1. Pag-alis/Pag-install ng Chaincase Drain Plug
6. Tingnan ang Figure 3. Alisin ang mga tornilyo (3) at takip ng clutch (clutch inspection cover) (2).
7. Alisin ang selyo (1). Punasan ang langis sa mga espasyo sa takip ng chaincase at sa panig na pagkakabitan.
PAUNAWA
Huwag punuin nang sobra-sobrang lubricant ang primary crankcase. Ang labis na pagpuno ay maaaring magdulot ng mahirap na pag-engage ng clutch, hindi ganap na pag-engage, pag-drag ng clutch at/o kahirapan sa paghahanap ng neutral habang naka-idle ang makina. (00199b)
8. Lagyan ng lubricant.
a. Magbuhos ng tinukoy na dami ng FORMULA+ TRANSMISSION AND PRIMARY CHAINCASE LUBRICANT o SCREAMIN' EAGLE SYN3 FULL SYNTHETIC MOTORCYCLE LUBRICANT 20W50 sa pamamagitan ng butas sa takip ng clutch. Sumangguni sa Talahanayan 1.
b. Tingnan ang Figure 2 . Ang tamang sukat ay humigit-kumulang nasa ibaba ng pressure plate OD.
Talahanayan 1. Lubricant ng Primary Chaincase
ITEM
DRY FILL(2)
WET FILL(3)
Oz
L
Oz
L
Dami(1)
34
1.0
30
0.9
(1) Tinatayang dami. Punuin hanggang ilalim ng pressure plate OD habang nakatayo ang sasakyan.
(2) Ang takip ay tinanggal at ikinabit.
(3) Ang lubricant ay sinaid sa pamamagitan lamang ng drain plug.
Figure 2. Sukat ng Primary na Lubricant
9. Ikabit ang takip ng clutch at bagong selyo.
a. Punasan nang maigi ang lubricat sa takip, panig na pagkakabitan at espasyo sa takip ng chaincase.
b. Tingnan ang Figure 3. Ipuwesto ang bagong selyo (1) sa espasyo sa takip ng clutch (2). Itulak ang bawat nub sa selyo papasok sa mga espasyo.
c. Ikabit nang maayos ang takip ng clutch (2) gamit ang mga tornilyo na may mga captive washer (3).
d. Tingnan ang Figure 4 . Higpitan ayon sa pagkakasunud-sunod na ipinapakita tungo sa 9,5–12,2 N·m (84–108 in-lbs) .
1Selyo
2Takip para sa inspeksyon ng clutch
3Turnilyo at captive na washer (5)
Figure 3. Takip ng Clutch (Karaniwan)
Figure 4. Pagkakasunud-sunod ng Paghihigpit ng Takip ng Clutch