Ang lahat ng sasakyang pampulis ay mayroong mga flat na salamin. Habang ang mga curved na surface ng mga convex na salamin ay nagpapaliit at nagpapalayo sa mga kotse at iba pang bagay, nakapagbibigay ang mga flat na salamin ng totoong imahe na nagpapaliit ng tsansang magkamali sa pagtatantiya ng distansya ng mga bagay.
Palaging i-adjust ang mga rear view mirror upang malinaw na ipakita ang lugar sa likod ng motorsiklo bago umandar.
TALA
I-adjust ang mga salamin para nakikita mo ang maliit na bahagi ng iyong balikat sa bawat salamin. Matutulungan ka nitong matantiya ang kaukulang distansya ng mga sasakyan sa likod ng iyong motorsiklo.