Upuan: XG500, XG750
Pag-aalis ng Upuan
1. Tingnan ang Figure 1. Alisin ang retention screw (6) ng upuan.
2. I-usog ang upuan (1) papunta sa likod para maalis ito sa retention tab ng upuan (3).
3. I-usog ang upuan paharap at sa ibabaw ng tangke ng gasolina (2).
4. Hatakin ang upuan paharap nang lampas sa strap ng upuan (4).
Pagkakabit ng Upuan
1. Tingnan ang Figure 1. Ipasok ang likuran ng upuan (1) sa loob ng strap ng upuan (4).
2. I-usog ang upuan paharap at papunta sa retention tab ng upuan (3).
3. Ikabit ang retention screw ng upuan (6).
Torque: 2,3–4,5 N·m (20–40 in-lbs) Retention screw ng upuan
1Upuan
2Tangke ng gasolina
3Retention tab ng upuan
4Strap ng upuan
5Retention nut ng upuan
6Retention screw ng upuan
Figure 1. Upuan: XG500, XG750
Upuan: XG750A
Pag-aalis ng Upuan
1. Tingnan ang Figure 2. Alisin ang angkasan/pillion ng pasahero (1).
a. I-angat ang likuran ng angkasan/pillion ng pasahero upang maalis ang angkasan/pillion sa retaining post (7).
b. I-usog ang angkasan/pillion papunta sa likod para tanggalin.
2. Alisin ang upuan (3).
a. Alisin ang retention screw at washer (2) ng upuan.
b. Iposisyon ang strap ng upuan (5) palayo sa upuan.
c. I-usog ang upuan papunta sa likod. Alisin ang upuan.
Pagkakabit ng Upuan
1. Tingnan ang Figure 2. Ikabit ang upuan (3).
a. I-usog ang upuan paharap at papunta sa retention tab ng upuan (4).
b. Ikabit ang retention screw at washer ng upuan (2).
Torque: 9–11 N·m (80–97 in-lbs) Retention screw at washer ng upuan
2. Iposisyon ang strap ng upuan (5) sa ibabaw ng likod ng upuan (3).
3. Ikabit ang angkasan ng pasahero (1).
a. Ilagay ang angkasan ng pasahero (1) sa likod ng upuan (3).
b. I-usog ang angkasan paharap para kumabit ang dalawang tab sa mga slot (6).
c. Ihanay ang retaining post (7) at grommet. Itulak pababa hanggang nakapuwesto na nang mabuti ang angkasan/pillion.
1Angkasan/Pillion ng pasahero
2Retention screw at washer
3Upuan
4Retention tab ng upuan
5Strap ng upuan
6Mga Slot (2)
7Retaining post
Figure 2. Upuan: XG750A