Trigger Switch
Tingnan ang Figure 1. Nakapatay ang sasakyan: Pindutin ang trigger switch (1) upang ipakita ang naipong milyahe sa odometer. Diinan ang trigger switch upang buksan ang mode ng accessory. Nasa mode ng accessory/ignisyon ang sasakyan: Pindutin ang trigger switch umikot sa mga function ng odometer. Sumangguni sa Talahanayan 1.
High Beam
Tingnan ang Figure 1. Pindutin ang switch ng high beam (2) upang paganahin ang high beam. Ang (asul na) high beam indicator lamp ay naka-ilaw kapag naka-on ang high beam. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Low Beam/Flash to Pass
Low beam: Tingnan ang Figure 1. Pindutin ang ibabang bahagi ng switch ng low beam/flash to pass (3) upang paganahin ang low beam.
Flash to pass: Kapag nakabukas ang switch ng low bean, pindutin at bitawan ang switch ng flash to pass upang pakislapin ang high beam bago lampasan ang ibang sasakyan. Ang high beam indicator lamp sa instrument cluster ay naka-ilaw hangga’t nakapindot ang switch ng flash to pass.
Kapag nasa accessory, pindutin ang switch ng flash to pass para i-activate ang headlamp. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Switch ng Voice Recognition (Pagkilala ng Boses)
Tingnan ang Figure 1. Ina-activate ng switch ng pagkilala ng boses (4) ang mga feature ng pagkilala ng boses sa mga sasakyang mayroon nito. Habang nakakonekta ang headset, pindutin ang switch ng voice command. Ipapakita ng radyo ang listahan ng mga magagamit na command. Sabihin ang gustong command sa mikropono ng headset. Tingnan ang MANWAL NG MAY-ARI NG BOOM! BOX.
Switch ng Cruise Control
TALA
Tingnan ang Figure 1 at Pagpapatakbo → Mga Switch ng Kontrol ng Kanang Kamay. Ang kakayahan ng switch ng cruist control (5) ay maaaring ipagpalit sa switch ng Push-to-talk/squelch (PTT) (5) kung gugustuhin. Magpunta sa iyong dealer ng Harley-Davidson upang ipagawa ang prosesong ito.
Maaaring gamitin ang mga kulay grey na pamalit na takip ng switch upang ipahiwatig na na-reprogram ang mga function. Magpunta sa iyong dealer ng Harley-Davidson.
Awotimatikong inaayos ng switch ng CRUISE/SET/RESUME ang bilis ng iyong sasakyan. Tingnan ang Pagpapatakbo → Cruise Control para sa detalyadong pagpapagana.
CRUISE: Pindutin ang switch ng CRUISE upang paganahin ang cruise control. Iilaw ng kahel ang cruise control indicator. Kapag pinindot ulit ang switch ng CRUISE, mamamatay ang cruise control.
SET/-: Habang naka-enable ang cruise control, pindutin ang SET/- upang i-set ang cruising speed. Iilaw ng berde ang cruise control indicator. Habang nasa bilis ng pag-cruise, pindutin ang SET/- para bawasan ang kontroladong bilis.
RESUME/+: Kapag huminto sa paggana ang cruise control (kapag prumeno halimbawa), pindutin ang RESUME/+ upang ipagpatuloy ang nakaraang bilis ng pag-cruise. Habang nasa bilis ng pag-cruise, pindutin ang RESUME/+ upang pabilisin ang takbo.
Switch ng HOME/VOLUME/PREVIOUS/NEXT
Tingnan ang Figure 1. Ang five-way na switch ng HOME/VOLUME/PREVIOUS/NEXT (6) ay nagpapagana sa mga feature ng radyo sa mga sasakyang mayroon nito. Tingnan ang MANWAL NG MAY-ARI NG BOOM! BOX.
HOME: Pindutin ang switch ng HOME nang diretsong papasok upang lumipat sa HOME screen sa radyo.
VOLUME: Pindutin ang switch pataas para lakasan ang volume o pababa para hinaan ang volume.
PREVIOUS/NEXT: Pindutin ang switch pakaliwa o pakanan para maghanap pataas/pababa ng istasyon ng radyo o para piliin ang nakaraan/susunod na media file.
Senyas ng Pagliko sa Kaliwa
I-activate: Tingnan ang Figure 1. Pindutin ang switch ng senyas ng pagliko sa kaliwa (7) upang i-activate ang senyas ng pagliko sa kaliwa. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Ihinto:
Manwal na Operasyon: Pindutin ang switch ng senyas ng pagliko sa kaliwa para kanselahin ang senyas ng pagliko sa kanan.
Awtomatikong Operasyon: Awtomatikong nakakansela ang mga ilaw ng senyas ng pagliko kapag may natukoy na buong pagliko batay sa bilis, akselerasyon at pagkumpleto ng pagliko.
Nakakansela rin ang mga ilaw kapag matagal nang gumagana ang senyas ng pagliko (20 kislap) habang ang bilis ng motorsiklo ay higit sa 7 mph (11 km/h). Kapag huminto o umaandar ang motorsiklo nang mas mabagal sa tulin na ito, patuloy na kikislap ang senyas ng pagliko.
TALA
Ang mga ilaw ng senyas ng pagliko sa harap ay nagsisilbi ring ilaw sa pagtakbo. Maaaring hindi available ang feature na ito sa lahat ng merkado.
Busina
Tingnan ang Figure 1. Napapagana ang busina sa pamamagitan ng pagpindot sa switch ng busina (8). Maaaring paganahin ang busina nang hanggang 10 segundo kada pindot. Kung mas matagal na pinindot ang switch ng busina, awtomatikong magde-deactivate ang busina. Sumangguni sa Talahanayan 1.
1Trigger
2High beam
3Low Beam/Flash to Pass
4Pagkilala ng boses
5Cruise control
6Switch ng home/volume/previous/next
7Senyas ng pagliko sa kaliwa
8Busina
Figure 1. Modyul ng Switch ng Kaliwang Kamay (tipikal)
Talahanayan 1. Mga Switch ng Kontrol ng Kaliwang Kamay
SWITCH
PANGALAN
FUNCTION
Trigger
Pindutin ang switch upang pagpalit-palitin ang mga display ng odometer.
High beam
Pindutin ang switch upang i-switch ang headlamp sa high beam.
Low beam/
flash to pass
Pindutin ang switch upang i-switch ang headlamp sa low beam.
Pindutin at bitawan upang pakislapin ang high beam.
Sa ACC, pindutin upang pailawin ang headlamp.
Pagkilala ng boses (6).
Magsisimula ng sesyon ng pagkilala ng boses.
Cruise control
Pinapagana ng three-way na switch ang mga function ng cruise control.
Home/volume/
previous/next
Pinapagana ng five-way na switch ang mga function ng radyo.
Pagliko sa kaliwa
Pindutin ang switch upang sumenyas ng pagliko sa kaliwa.
Busina
Pindutin ang switch upang patunugin ang busina.