Battery Safety (Kaligtasan sa Paggamit ng Baterya)
BABALA
Ang baterya ay naglalaman ng sulfuric acid, na maaaring magdulot ng malubhang pagkapaso ng mga mata at balat. Magsuot ng pangprotektang panangga sa mukha, gomang guwantes at pangprotektang damit kapag inaayos ang mga baterya. ILAYO ANG MGA BATERYA SA MGA BATA. (00063a)
BABALA
Ang sumasabog na hydrogen gas, na sumisingaw tuwing nag-cha-charge, ay maaaring maging sanhi ng kamatayan o malubhang pinsala. I-charge ang baterya sa lugar na may maayos na bentilasyon. Ilayo sa mga apoy, pagsiklab ng kuryente at mga bagay na umuusok ang baterya sa lahat ng oras. ILAYO ANG MGA BATERYA SA MGA BATA. (00065a)
BABALA
Ang mga baterya, mga poste ng baterya, mga terminal at kaugnay na mga accessory ay naglalaman ng lead at lead compounds, at iba pang mga kemikal na kilala sa Estado ng California na nagdudulot ng kanser, at mga depekto ng kapanganakan o iba pang pinsala sa pag-aanak. Maghugas ng kamay pagkaraang hawakan ito. (00019e)
BABALA
Huwag kailanman tanggalin ang label ng babala mula sa baterya. Ang hindi pagbabasa at pag-unawa sa lahat ng pag-iingat na nakapaloob sa babala, ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00064b)
Impormasyon tungkol sa Pagcha-charge ng Bateryang Absorbed Glass Mat (AGM)
Ang motorsiklo ay may disenyong Absorbed Glass Mat (AGM) na baterya na permanenteng nakaselyo at hindi kinakailangan ng pagmementina, na mas maganda kaysa sa mga kumbensyonal na mga flooded lead acid na baterya. Ang disenyong ito ng baterya ay magbibigay ng maraming taon ng maaasahang serbisyo kapag ginamit ang tamang kagamitan sa pagkakarga ng baterya at pamamaraan ng pag-iimbak. Dahil sa nakaselyo, hindi natatapong disenyo ng baterya, inirerekomenda ang isang awtomatiko at patuloy na nagmo-monitor na battery charger/tender na may charging rate na 5 amps o mas mababa, nang mas mababa sa 14.6 volts para maiwasan ang mga kalagayan na pag-o-overcharge na makakapagpatuyo sa mga cell ng baterya. Ang mga charger ng baterya na may hindi nagbabagong kuryente (kabilang ang mga trickle charger) ay hindi inirerekomenda at maaaring makasira sa mga bateryang AGM. Huwag subukang buksan ang baterya sa kahit anong kadahilanan.
Ang patuloy na nagmo-monitor na battery charger o tender ng Harley-Davidson ay inirerekomenda para magpanatili ng full charge sa pagitan ng mga pagpapatakbo o kapag hindi gagamitin ang motorsiklo nang mahigit dalawang linggo. Ang pinakamagandang gawain ay ang pagkakabit ng charger/tender tuwing hindi ginagamit ang motorsiklo. Nag-aalok ang Harley-Davidson ng iba’t ibang ganap na awtomatikong charger/tender (mayroong mga bersyon para sa North America at pang-internasyonal). Ang mga charger/tender na ito ng baterya ay may kasamang kable na madaling maidiskonekta, na nagpapahintulot ng madaling pagkonekta para makargahan ang baterya nang hindi na binabaklas pa ang motorsiklo.
Ang kakulangan sa regular na pagkakarga ng baterya o paggamit ng mga charger na may hindi nagbabagong kuryente ay maaaring magpasawalang bisa ng garantiya ng baterya.
Paglilinis at Pagsisiyasat
Dapat malinis at tuyo ang tuktok ng baterya. Ang dumi at electrolyte sa tuktok ng baterya ay maaaring maging sanhi para magdiskarga nang mag-isa ang baterya.
  1. Linisin ang tuktok ng baterya.
  2. Linisin ang mga pangkonektang kable at terminal ng baterya gamit ang isang wire brush o fine grit sandpaper para tanggalin ang anumang oksihenasyon.
  3. Siyasatin at linisin ang mga turnilyo, clamp at kable ng baterya. Tingnan kung mayroong mga putol o maluwang na koneksyon at kalawang.
  4. Tingnan kung natunaw o nasira ang mga post ng baterya dahil sa sobrang pagkahigpit.
  5. Tingnan kung kumupas ang kulay, umumbok ang tuktok o may warped o sira ang hugis ng kaha ng baterya. Ipinahihiwatig ng mga kondisyong ito na nagyelo, nag-overheat o na-overcharge ang baterya.
  6. Siyasatin ang kaha ng baterya kung may mga biyak o tagas.
Pagcha-charge at Pag-iimbak ng Baterya
Ang isang bateryang iniwan sa mototsiklo ay maaaring madiskarga nang mag-isa o madiskarga dulot ng mga parasitic load. Ang mga parasitic load ay nagmumula sa mga bagay na tulad ng tagas sa diode at pagpapanatili ng computer memory. Ang bateryang tinanggal sa motorsiklo ay maaari ding madiskarga nang mag-isa. Hindi kinakailangang tanggalin ang baterya mula sa sasakyan para itago.
Inirerekomenda ang paggamit ng awtomatiko at patuloy na nagmo-monitor na battery charger/tender na mayroong charging rate na 5 amps o mas mababa, nang mas mababa sa 14.6 volts. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng mga charger na hindi nagbabago ang kuryente (kabilang ang mga trickle charger) sa pagcha-charge ng mga nakaselyong bateryang AGM. Ang pag-o-overcharge ay makatutuyo at maagang makasisira ng baterya. Huwag kailanman mag-charge ng baterya nang hindi muna pinag-aaralan ang mga tagubilin sa charger na gagamitin. Bukod sa mga tagubilin ng manufacturer, sundin ang pangkahalatang pag-iingat sa kaligtasan.
I-charge ang baterya kapag:
BABALA
I-unplug o PATAYIN ang charger ng baterya bago ikonekta ang mga kable ng charger sa baterya. Ang pagkonekta ng mga kable habang NAKABUKAS ang charger ay maaaring maging sanhi ng pagsiklab at pagsabog ng baterya, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00066a)
TALA
Siguraduhing nakapatay ang ignisyon at lahat ng electrical accessory.
Laging sundin ang mga tagubilin sa pag-charge na kasama ng charger/tender.
1. Habang nasa motorsiklo ang baterya.
a. Ikabit ang charger/tender lead ng baterya sa tender connector ng baterya ng motorsiklo. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Konektor ng Battery Tender.
b. Kapag kumpleto na ang pagkakarga, PATAYIN ang charger. Idiskonekta ang tender connector ng baterya ng motorsiklo.
2. Habang nakatanggal ang baterya sa motorsiklo.
a. Ilagay ang baterya sa patag na surface.
b. Ikabit ang lead ng charger/tender ng baterya sa lead ng connector adapter ng baterya na kasama ng charger/tender ng baterya.
c.
PAUNAWA
Huwag baliktarin ang mga koneksyon ng charger na inilarawan sa mga sumusunod na hakbang, kung hindi, maaaring mapinsala ang charging system ng motorsiklo. (00214a)
Ikonekta ang pulang battery charger lead sa positibong terminal ng baterya.
d. Ikonekta ang itim na battery charger lead sa negatibong terminal ng baterya.
e. Humakbang palayo sa baterya at buksan ang charger.
f.
BABALA
I-unplug o PATAYIN ang charger ng baterya bago i-diskonekta ang mga kable ng charger sa baterya. Ang pag-diskonekta ng mga clamps habang NAKABUKAS ang charger ay maaaring maging sanhi ng pagsiklab at pagsabog ng baterya, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00067a)
Kapag kumpleto na ang pagkakarga, PATAYIN ang charger. Idiskonekta ang itim na battery charger lead. Idiskonekta ang pulang battery charger lead.