Nagmamalasakit Kami sa Inyo
Maligayang pagdating sa Harley-Davidson Motorcycling Family! Kapag ine-enjoy ang iyong Harley-Davidson na motorsiklo, tiyaking sasakay ka nang ligtas, may respeto, at nasa loob ng mga limitasyon ng batas at mga kakayahan mo. Palaging magsuot ng helmet, wastong eyewear at damit na pangproteksyon, at igiit sa iyong pasahero na ganoon din ang gawin. Huwag kailanman sumakay habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak o droga. Kilalanin ang iyong Harley at basahin at unawain ang iyong manwal ng may-ari mula umpisa hanggang dulo.
Ang manwal na ito ay inihanda upang ipaalam sa iyo kung paano ang pagpapatakbo, pangangalaga at pagpapanatili ng iyong motorsiklo at upang bigyan ka ng mahalagang impormasyong pangkaligtasan. Sundin ang mga tagubilin na ito nang maingat para sa pinakamagandang pag-andar ng motorsiklo at para sa iyong personal na kaligtasan at kasiyahan sa paggamit. Ang iyong Manwal ng May-ari ay naglalaman ng mga tagubilin para sa pagpapaandar at minor na pagmementina. Ang mga mayor na pag-aayos ay sakop ng Manwal ng Serbisyo ng Harley-Davidson. Ang mga naturang mayor na pag-aayos ay nangangailangan ng atensyon ng dalubhasang technician at paggamit ng mga espesyal na kasangkapan at kagamitan. Ang iyong dealer ng Harley-Davidson ay may mga pasilidad, karanasan at mga Tunay na piyesa ng Harley-Davidson na kailangan upang maayos na maibigay ang mahalagang serbisyo na ito. Inirerekumenda namin na isagawa ang anumang pagpapanatili ng sistema ng emisyon ng isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson.
Dumalo sa isang kurso sa kaligtasan ng nagmamaneho. Upang mag-enroll sa isang kurso sa Harley-Davidson Riding Academy, tumawag sa 1-414-343-4056 (U.S.) o bisitahin ang www.harley-davidson.com/learntoride. Sa Estados Unidos, para sa impormasyon tungkol sa mga kurso para sa nagmamaneho ng Motorcycle Safety Foundation, tumawag sa 1-800-446-9227 o bisitahin ang www.msf-usa.org.
Mga May-ari sa Estados Unidos
Ang iyong Harley-Davidson na motorsiklo ay sumasang-ayon sa lahat ng naaangkop na regulasyon ng U.S. Federal Motor Vehicle Safety Standards at U.S. Environmental Protection Agency na epektibo sa petsa ng paggawa. Protektahan ang iyong pribilehiyong makapagmaneho sa pamamagitan ng pagsali sa American Motorcyclist Association. Bisitahin ang www.americanmotorcyclist.com para sa dagdag na impormasyon.
Inilalaan ng Harley-Davidson ang karapatang baguhin ang mga ispesipikasyon, kagamitan o disenyo anumang oras nang walang abiso at nang hindi nagkakaroon ng obligasyon.