TALA
Na-calibrate na ang TPMS upang gamitin ang hangin sa gulong. Maaaring maapektuhan ang katumpakan ng system kapag gumamit ng 100 porsiyentong nitrogen.
Dapat suriin ang bawat gulong bago sakyan, at dapat pahanginan sa presyon ng hangin na inirerekomenda ng Harley-Davidson sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Tinukoy na Gulong at ipinakikita sa label ng VIN/presyon ng hangin ng gulong (kasama sa mga sasakyan sa US/Canada).
Ang sasakyan mo ay may tire pressure monitoring system (TPMS) na nagpapailaw ng ilaw ng mababang presyon ng gulong kapag ang isa o higit pa sa iyong mga gulong ay kulang na kulang sa hangin. Kaya, kapag lumiwanag ang ilaw ng mababang presyon ng gulong, huminto at tingnan ang iyong mga gulong sa lalong madaling panahon, at pahanginan ang mga ito sa tamang presyon. Kapag nagmaneho nang kulang sa hangin, mag-o-overheat ang gulong at maaring masira ito.
Binabawasan din ng kakulangan sa hangin ang kahusayan sa pagtitipid ng gasolina at tread life ng gulong, at maaaring makaapekto ito sa pagmamaneho at kakayahang huminto ng sasakyan. Mahalagang itakda nang maayos ang presyon ng gulong. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pag-alerto ng mababang presyon sa mas matataas na temperatura ng pumapaligid na hangin. Ang mga inirerekomendang presyon ng malamig na gulong ay ipinapakita sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Tinukoy na Gulong.
Kung aalamin ang presyon ng gulong kapag kamakailang nasakyan ang sasakyan at mainit pa ang mga gulong, sumangguni sa Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Mga Gulong upang malaman ang mga itinamang presyon. Kapag na-adjust na ang presyon ng mainit na gulong, ire-adjust ang presyon ayon sa mga rekomendasyon kapag lumamig na ang gulong.
Hindi kapalit ng tamang pagpapanatili ng gulong ang TPMS. Responsibilidad ng nagmamanehong panatilihin ang tamang presyon ng gulong, kahit hindi pa umaabot ang kakulangan ng hangin sa antas na iilaw ang ilaw ng mababang presyon ng gulong ng TPMS.
Nilagyan din ang sasakyan ng indicator ng sirang TPMS upang ipahiwatig kapag hindi gumagana nang maayos ang system. Kasama ng indicator ng sirang TPMS ang ilaw ng mababang presyon ng gulong. Kapag nakatukoy ng sira ang system, kikislap ang ilaw ng mababang presyon ng gulong nang humigit-kumulang isang minuto at pagkatapos ay mananatili itong nakailaw. Magpapatuloy ang ganitong pagkakasunud-sunod hanggang sa mga susunod na pagpapaandar ng sasakyan hangga’t umiiral ang sira. Bubukas din ang ilaw ng seguridad upang ipakita na may umiiral na diagnostic trouble code. Kapag nakailaw ang indicator ng sira, maaaring hindi matukoy o maipahiwatig ng system ang mababang presyon ng gulong gaya ng inaasahan.
Iba-iba ang maaaring maging dahilan ng pagkasira ng TPMS, kabilang na dito ang pagkakabit ng mga pamalit na goma ng gulong o gulong sa sasakyan na humahadlang sa maayos na paggana ng TPMS.
Palaging tingnan ang indicator ng sirang TPMS pagkatapos palitan ang isa o higit pang goma ng gulong o gulong sa iyong sasakyan, upang matiyak na pinahihintulutan ng mga pamalit na gulong at goma ng gulong na gumana nang maayos ang TPMS.