Check Engine Lamp (Ilaw na Nagpapahiwatig na Suriin ang Makina)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Ipinahihiwatig ng check engine lamp ang kondisyon ng makina/engine management system.
Kadalasang umiilaw ang check engine lamp kapag unang pinaandar ang motorsiklo. Sa panahong ito, magsasagawa ang engine management system ng serye ng self-diagnostics.
Kapag hindi namatay ang ilaw pagkatapos paandarin ang makina o kapag umilaw ito sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Kaunting Gasolina
Solid: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Ipinahihiwatig ng babalang ilaw ng kaunting gasolina na umabot na sa mababang antas ang gasolina sa tangke (pagtatantiya). Tingnan ang Mga Ispesipikasyonpara sa mababang antas ng gasolina. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer para sa mga tampok ng saklaw ng gasolina.
Kumikislap: Kapag patuloy na kumikislap ang ilaw ng kaunting gasolina, o kapag nanatili itong nakabukas pagkatapos kargahan ang tangke ng gasolina, magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Pagkadiskarga ng Baterya
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Ipinahihiwatig ng ilaw ng pagkadiskarga ng baterya ang labis na pag-charge o kakulangan sa pag-charge ng baterya. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagpapanatili ng Baterya.
Ilaw ng Seguridad
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Ipinakikita ng ilaw ng seguridad ang status ng system ng seguridad at ang elektrikal na self-diagnostics para sa motorsiklo. Tingnan ang SISTEMA NG SEGURIDAD → System ng Seguridad para sa paggana ng system ng seguridad.
Kumikislap: Aktibo ang system ng seguridad.
Solid (aktibo ang system ng seguridad): Naka-activate ang alarm.
Solid (di-gumagana ang system ng seguridad): Kapag nanatiling nakabukas ang ilaw, may diagnostic trouble code. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Mga Indicator na Ilaw para sa Senyas ng Pagliko
Kumikislap: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Naka-activate ang senyas ng pagliko. Kapag gumagana ang mga 4-way hazard flasher, sabay na kikislap ang mga indicator ng pagliko.
Mabilis na pagkislap: May bumbilya ng senyas ng pagliko na hindi gumagana. Mag-ingat at sumenyas gamit ang mga kamay. Palitan ang mga bahaging hindi gumagana sa lalong madaling panahon.
High Beam na Ilaw ng Headlamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Nakailaw ang high beam ng headlamp kapag naka-activate ang high beam o flash to pass.
Ilaw ng Nyutral
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Nakabukas ang ilaw ng nyutral kapag nakanyutral ang transmisyon.
Ilaw ng Cruise Control
Nakapatay: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Hindi gumagana ang cruise control.
Kahel: Gumagana ang cruise control. Hindi naka-set ang bilis ng pag-cruise o kaya naka-disengage.
Berde: Naka-set ang bilis ng pag-cruise. Ang bilis ng sasakyan ay pinangangasiwaan ng cruise control system.
Indicator na Ilaw ng Auxiliary/Fog Lamp
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Nakabukas ang indicator na ilaw ng auxiliary/fog kapag nakabukas ang mga ilaw ng auxiliary/fog.
Gear Indicator
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Ang napiling gear sa kasalukuyan (1-6) ay makikita sa window ng odometer. Ang gear indicator ay kinakalkula mula sa bilis ng sasakyan at bilis ng makina. Ang gear indicator ay mananatiling blangko kapag nakanyutral ang transmisyon, nakapasok ang clutch lever o hindi gumagalaw ang sasakyan.
Maaaring pansamantalang hindi maging tumpak ang gear indicator depende sa paggamit ng clutch ng rider at sa pagkapudpod nito. Maaaring mangyari ito kapag nahahayaang dumulas ang clutch dahil sa labis na pagkapudpod, maling pag-adjust sa clutch o sa gumagamit ng clutch.
Ilaw ng ABS
BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa 5 km/h (3 mph) o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS. Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
Kumikislap: Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Magsisimulang kumislap ang ilaw ng ABS kapag umaandar ang sasakyan. Ipinahihiwatig ng kumikislap na ilaw na nasa mode ng self-diagnosis ang system. Patuloy itong kikislap hanggang sa lumampas ang bilis ng motorsiklo sa 5 km/h (3 mph). Hindi gumagana ang ABS hangga’t hindi namamatay ang lamp.
Solid: Ang patuloy na pag-ilaw ng ilaw ay nagpapahiwatig ng sirang ABS. Hindi gumagana ang ABS at gumagana ang mga preno bilang mga prenong hindi ABS. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Ilaw ng Presyon ng Langis
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Bubukas ang ilaw ng presyon ng langis kapag binuksan ang motorsiklo. Mananatiling nakabukas ang ilaw hangga’t hindi pinaaandar ang makina.
Kapag nakabukas ang ilaw habang tumatakbo ang makina, hindi sapat ang umiikot na langis sa makina.
Suriin ang langis ng makina. Magdagdag ng langis kapag kinakailangan. Tingnan ang Pagpapanatili at Lubrikasyon → Suriin ang Langis ng Makina. Para sa iba pang mga posibleng sanhi, tingnan ang Pag-aayos ng Problema → Makina.
Kapag sapat ang sukat ng langis ng makina at nananatiling nakabukas ang ilaw, agad na ihinto ang makina. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Ilaw ng Mababang Presyon ng Gulong/Pagkasira ng TPMS
BABALA
Siguraduhing ang mga gulong ay wastong napahanginan, balansyado, walang sira, at hindi pa pudpod ang tread. Regular na suriin ang iyong mga gulong at magtungo sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa mga kapalit. Ang pagsakay sa masyadong pudpod, hindi balansyado, hindi wastong napahanginan, labis ang karga o sirang mga gulong ay maaaring humantong sa pagkasira ng gulong at nakakaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00014b)
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Instrumento → Mga Instrumento at Indicator na Ilaw. Ipinahihiwatig ng ilaw ng mababang presyon ng gulong/pagkasira ng TPMS sa tuwing may gulong na mababa ang presyon o kapag sira ang TPMS system.
Kumikislap (60 segundo na susundan ng solid na ilaw): Natukoy ang pagkasira ng TPMS. Bubukas din ang ilaw ng seguridad upang ipakita na may umiiral na diagnostic trouble code. Maari itong mangyari dulot ng iba’t ibang dahilan, kabilang ang kawalan ng signal mula sa mga sensor o pagpalya ng baterya ng sensor. Maaaring hindi makita ang datos ng presyon ng gulong habang nakabukas ang ilaw. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Solid: Natukoy ng system na mababa ang presyon ng isa o mas marami pang gulong. Ipapahiwatig din ng radyo ang mga detalye para sa kondisyong ito. Maingat na ihinto ang sasakyan at gumamit ng panukat ng presyon ng gulong upang malaman ang presyon ng bawat apektadong gulong. Dagdagan ng hangin ang gulong ayon sa mga ispesipikasyon sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Tinukoy na Gulong o gaya ng tinutukoy sa label sa frame downtube. Mamamatay ang ilaw kapag sumakay ka sa motorsiklo nang may tamang presyon ang mga gulong. Sumangguni rin sa Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Mga Gulong upang punan ang mga presyon ng gulong para sa mga gulong na ginamit kamakailan. Kung ina-adjust ang presyon ng gulong sa bawat Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Mga Gulong, muli itong i-adjust ayon sa rekomendasyon para sa gulong sa lalong madaling panahon.
TALA
Huwag gamitin ang TPMS system bilang panukat ng presyon kapag nagdaragdag o nagbabawas ng hangin sa gulong. Nagpapadala ng datos ng sensor sa TPMS sa iba’t ibang pagkakataon (depende kung umaandar ang sasakyan, nakasandal sa jiffy stand, o may malaking pagbabago sa presyon ng gulong). Maaaring hindi kaagad na mag-refresh ang datos ng presyon ng gulong kapag nagdaragdag o nagbabawas ng hangin sa gulong. Maaari itong magresulta sa labis na paghahangin o kulang sa paghahangin.
Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer para sa datos ng presyon ng gulong na nakikita sa odometer.
Tingnan ang Pagpapatakbo → Kalagayan ng Sasakyan sa Boom! Box at ang MANWAL NG MAY-ARI NG BOOM! BOX para sa mga function ng TPMS sa radyo.