Ang manwal ng may-ari na ito ay naglalaman ng iyong bagong limitadong garantiya ng motorsiklo at iyong rekord ng pagpapanatili ng may-ari.
Responsibilidad mo bilang may-ari na sundin ang iskedyul ng pagpapanatili sa bawat pagitan ng mileage gaya ng tinukoy sa manwal ng may-ari. Ang lahat ng tinukoy na serbisyo sa pagpapanatili ay dapat isagawa sa iskedyul upang panatilihing may bisa ang iyong limitadong garantiya.
Maaaring i-atas ng ilang bansa, estado o iba pang lokasyon na ang lahat ng regular na pagpapanatili at gawain ng pagseserbisyo ay isagawa ng awtorisadong dealer ng Harley-Davidson upang manatiling may bisa ang iyong limitadong garantiya. Alamin sa iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ang mga lokal na pangangailangan.
  1. Magsagawa ng appointment sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa inspeksyon at serbisyo bago ang unang 1.600 km (1000 mi), at sa lalong madaling panahon pagkaraang lumitaw ang anumang isyu.
  2. Dalhin ang manwal ng nagmamay-ari na ito kapag binisita mo ang iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson upang mapasuri at mapaserbisyuhan ang iyong motorsiklo.
  3. Palagdaan sa isang teknisyan ng dealer ang rekord ng pagpapanatili sa manwal ng may-ari sa tamang panahon ng mileage. Ang mga talang ito ay dapat itago ng may-ari bilang patunay ng tamang pagpapanatili.
  4. Itago ang mga resibo na sumasakop sa anumang bahagi, serbisyo o pagpapanatili na isinagawa.
Ang mga talaang ito ay dapat ilipat sa bawat susunod na magmamay-ari.
Gamitin lamang ang mga bahagi at accessory ng Harley-Davidson na idinisenyo, sinubok at inaprubahan para sa iyong modelo at taon ng modelo ng motorsiklo.
Ang paggamit ng mga aftermarket performance parts o mga piyesang gawa at ibinebenta ng mga kompanya maliban sa orihinal na lumikha ng sasakyan ay maaaring magpawalang-bisa sa lahat o bahagi ng iyong limitadong garantiya. Puntahan ang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para sa mga detalye.
Ang mga awtorisadong dealership ng Harley-Davidson ay independiyenteng piagmamay-arian at pinamamahalaan at maaaring magbenta at magkabit ng mga bahagi at accessory na hindi nilikha o inaprubahan ng Harley-Davidson para gamitin sa iyong motorsiklo. Samakatuwid, dapat mong maunawaan na ang Harley-Davidson ay hindi at hindi maaaring maging responsable para sa kalidad, pagiging angkop, o kaligtasan ng anumang piyesa, accessory, o pagbabago ng disenyong hindi sa Harley-Davidson, kabilang ang paggawa, na maaaring ibenta at/o ikabit ng mga awtorisadong dealership ng Harley-Davidson.