BABALA
Tingnan ang seksyon na Mga Accessory at Kargamento ng iyong manwal ng may-ari. Ang maling pagkakarga o pagkakabit ng accessory ay maaaring humantong sa pagkasira ng bahagi at masamang makaapekto sa katatagan, pagmamaneho at pagganap, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00021b)
BABALA
Huwag lumampas sa Gross Vehicle Weight Rating (GVWR) o Gross Axle Weight Rating (GAWR) ng motorsiklo. Ang paglampas sa mga rating na ito ng timbang ay maaaring humantong sa pagkasira ng bahagi at masamang makaapekto sa katatagan, pagmamaneho at pagganap, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00016f)
Ang GVWR ay ang kabuuang timbang ng motorsiklo, mga accessory, nagmamaneho, pasahero at kargamento na ligtas na maikakarga.
Ang GAWR ay ang maximum na timbang na maaaring ligtas na ikarga sa bawat axle.
Tingnan ang label ng impormasyon sa frame steering head o frame downtube para sa GVWR at GAWR.
BABALA
Ang hindi wastong pagkakarga ng kargada o pagkakabit ng mga accessory ay maaaring makaapekto sa katatagan at pagmamaneho ng motorsiklo, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00095a)
Panatilihing nakatipon nang malapit sa motorsiklo ang timbang ng kargamento at nakababa hangga’t maari upang mapaliit ang pagbabago sa sentro ng grabidad ng motorsiklo. Pantay na ipamahagi ang timbang sa magkabilang panig ng sasakyan. Huwag magkarga ng mga napakalaking bagay nang masyadong malayo sa likod ng mga nagmamaneho o magdagdag ng timbang sa mga handlebar o front fork. Huwag lumampas sa maximum na kargang nasa label sa loob ng bagahe.
Tiyaking nakaayos nang husto ang kargada. Ang karga ay hindi dapat gumalaw habang tumatakbo. Regular na itsek ang karga.
Isara at i-lock ang bagahe bago sumakay o iwanan ang sasakyan nang walang bantay.